top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Lady Titans, Dolphins, Saints at Grayhawks sa NAASCU F4

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 23, 2022
2 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | November 23, 2022



Bawal na magkamali at sasabak na ang mga nalalabing koponan sa semifinals ng 20th National Athletic Association of Schools, Colleges and Universities (NAASCU) Volleyball Tournaments for Women and Men ngayong Miyerkules sa Technological University of the Philippines-Taguig Gym.


Itataya ng mga numero unong Enderun Colleges Lady Titans at Philippine Christian University Dolphins ang malinis na kartada at pumasok agad sa best-of-three finals ng kanilang mga dibisyon.


Unang sasalang ang Lady Titans (4-0) laban sa St. Clare College Lady Saints (1-3) sa 8 a.m. Dahil winalis ang elimination, nabigyan ang Enderun ng twice-to-beat advantage at mabigat na paborito na ulitin ang kanilang 25-15, 25-13 at 25-12 panalo sa Lady Saints noong Nob. 9, ang pormal na pagbubukas ng torneo.


Susunod dito ang kabilang semifinal sa pagitan ng TUP Lady Grayhawks (3-1) at Our Lady of Fatima University Lady Phoenix (2-2) sa 9:30 ng umaga. Umakyat ang Lady Phoenix sa pangatlo at iniwasan ang Enderun matapos talunin ang St. Clare sa huling araw ng elimination, 25-11, 25-22, 18-25 at 25-20, noong Lunes sa PCU-Manila Gym.



Sa parehong araw ay pormal na winalis ng PCU Dolphins (5-0) ang elimination sa 25-19, 25-17 at 31-29 pagtumba sa Phoenix (2-2) na haharapin muli nila ngayon simula 11 a.m.

hawak ang twice to beat. “Nag-eksperimento ako sa third set at natutuwa ako sa ipinakita ng mga bata papunta sa semis,” wika ni PCU coach Gilbert Ordon.


Ang kabilang semifinal sa Men’s Division ay TUP (4-1) kontra St. Clare (3-2) sa 1 p.m.


Umiwas ang Saints sa mga komplikasyon ng mga tabla at iniligpit ang palaban na Philippine National Police Academy, 25-23, 25-15 at 27-25. Kung kailangan, ang winner-take-all ay gaganapin sa Biyernes sa TUP-Taguig pa rin.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page