top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Lady Spartan Team, sasabak sa WNBL

BULGAR
May 19, 2021
2 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | May 19, 2021




Matatawag na ganap na manlalarong propesyonal na ang mga kababaihan ng STAN Quezon Lady SparTAN matapos ang isang payak na seremonya kamakailan kung saan nilagdaan nila ang kanilang mga kontrata. Sasabak ang Lady SpartTAN sa Women’s National Basketball League (WNBL) na nakatakdang magbukas sa huling linggo ng Hunyo.

Captain ball si Phaula “Bagets” Nadres ng Tayabas City na naglaro noon sa National University habang ang head coach ay si Melki Villanueva. Kasama ni Nadres ang mga manlalaro na sina Chickie Faraon, Evita Naynes, Jessa Taroja at Krystine Duran. Sumunod ang karamihan ng mga napili nila noong WNBL Rookie Draft noong Pebrero na sina Dianne Ventura, Kat Araja, Jo Razalo, Angelica de Austria, Nikka Tupaz, Jade Valenzuela, Anna Marika Iida at Veronica Lio.

Matapos ang pirmahan ay ibinahagi agad sa 13 manlalaro ang kanilang uniporme at sapatos. Tumayong saksi sina NBL/WNBL EVP Rhose Montreal at Commissioner Edward Aquino.


Samantala, maglalaro agad sina de Austria at Razalo sa pormal na paglulunsad ng NBL/WNBL 1V1 League kasama ang Isolation Basketball Championship sa Sabado (Mayo 22) sa Bren Z. Guiao Convention Center sa City of San Fernando, Pampanga. Haharapin ni de Austria si Jhenn Angeles ng Paranaque Lady Aces sa Lightweight Division habang magbabanggaan sina Razalo at Girly Villaflores ng Pacific Water Queens sa Heavyweight Division.

Anim na iba pang laban ang nakatakda sa pangunguna ng main event na sina Allana Lim ng Paranaque kontra Snow Penaranda ng Pacific Water sa Light Heavyweight, Sthefanie Ventura ng Paranaque laban kay Nicole Cancio ng Glutagence Glow Boosters sa Featherweight at Jollina Go ng Pacific Water kontra Nicole delos Reyes ng Glutagence sa Featherweight.

Ang main event sa panig ng kalalakihan ay sa pagitan ng mga Heavyweight na sina Bernabe Teodoro at Arnaud Noah. Bago nito, magtutuos sina Raymart Amil ng Laguna Pistons laban kay Marvin Baracael ng Sulong STAN at Christopher Lagrama ng Quezon Barons laban kay Mark Jason Tamayo ng punong abala ang Pampanga Delta.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page