top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Lady Knights, inisahan agad ang Red Spikers sa NCAA Volley

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 20, 2023
  • 2 min read

ni Gerard Arce @Sports | February 20, 2023




Mga laro sa Martes:

(San Andres Sports Complex)

9:00 n.u. – Mapua vs LPU (men’s)

12:00 n.t. – Mapua vs LPU (women’s)

2:00 n.h. – CSB vs EAC (women’s)

4:30 n.h. – CSB vs EAC (men’s)


Pumalo ng unang panalo ang Colegio de San Juan de Letran Lady Knights matapos matakasan ang San Beda University Lady Red Spikers sa dikdikang third set upang makuha ang straight set panalo sa bisa ng 25-20, 25-23, 28-26, kahapon sa opening weekend ng 98th season ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) women's volleyball tournament sa San Andres Sports Complex sa Maynila.


Nagpamalas ng All-around performance si Daisy Melendres para sa Lady Knights na mag-isang nagtapos ng double-digit iskoring sa 15 puntos mula sa walong atake, limang blocks, isang ace at limang excellent digs para sa bwenamanong panalo ng Muralla-based squad. Nag-ambag rin si Judiel Nitura ng walong puntos, gayundin ang tig-pitong puntos nina Lea Rizel Tapang at Julienne Castro, na may apat na digs.

Nagawa pang bumira ang Letran ng matinding 12-1 kalamangan sa pagbubukas ng third set, subalit nagsimulang magbaga ang mga hambalos ng Lady Red Spikers upang itabla ang laro sa 19. Nagawa pang mabitbit ang laro sa karagdagang set dahil sa pananatili ng San Beda na mapahaba ang laro patungong fourth set. Subalit tinapos ni Nitura ang laro para sa Lady Knights kasunod ng magkasunod na birada.

Naaksaya naman ang tig-10 puntos nina Kleiner Abraham at Chynna Castillo para sa San Beda, habang kinapos naman sa doble pigura sina Marianne Tayaga at Katleya Molina sa siyam puntos at kapitana Trisha Paras sa walong puntos.

Makakaharap naman ng Letran sa darating na Biyernes ang Mapua University Lady Cardinals, habang magbabawi ang San Beda kontra sa three-time champions na Arellano University Lady Chiefs sa Miyerkules.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page