top of page

Labs ni Paulo, inisnab daw ni Mega… SHARON, DAMAY SA PUKSAAN NG KAMPO NINA KIM AT JANINE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 6 hours ago
  • 2 min read

ni Nitz Miralles @Bida | April 18, 2026



Janine Cutierrez, Sharon Cuneta at Kim Chiu - Instagram

Photo: Janine Cutierrez, Sharon Cuneta at Kim Chiu - Instagram



Pati si Sharon Cuneta ay nadadamay o idinadamay sa iringan ng mga fans nina Janine Gutierrez at Kim Chiu. 


Naniniwala ang mga fans ni Kim na fans ni Janine ang nagpakalat ng isyu na inisnab ni Sharon si Kim nang magkita sila sa Prime Video event.



May tsika na habang umaakyat daw sa stage si Kim, sa ibang direksiyon lumingon ang Megastar kaya hindi sila nagkatinginan. 

Ang dating ng eksenang iyon, hindi raw pinansin ni Mega si Kim at pinalalabas pa na dinedma niya ito.


Marami ang hindi naniniwala sa tsikang ito dahil kilalang magiliw si Sharon sa mga kapwa-artista at lahat ay binabati nito. Baka raw may iba lang tiningnan si Sharon at hindi napansin si Kim. 


Kahit may nagpatotoo na hindi ito nangyari, ayaw pa ring maniwala ng nagpakalat ng isyu.


Ang sabi ng isang eyewitness, nagsabay lumabas sina Sharon at Kim at nagbeso pa ang dalawa. Mahal daw ni Sharon si Kim dahil mabait itong bata at walang rason para dedmahin siya ni Mega.


Siguro, kung nababasa ito ni Sharon, matatawa ito at makikiusap na rin na huwag siyang isali sa puksaan ng dalawang kampo. 


Mas maganda kung ang pag-usapan ay kung gaano sila ka-sweet ni Marian Rivera sa nasabing event. Magkatabi sila sa stage at napansin na kumapit si Marian kay Sharon at kumapit naman si Kim kay Marian.


Mas gugustuhin din ni Sharon na pag-usapan ang first series na pagsasamahan nila ni Barbie Forteza kaya pareho silang excited. Hindi pa nabanggit kung sino ang director ng Honor Thy Mother (HTM), pero sa September na ang airing nito.





ONE-year ang pinirmahang kontrata ni Alden Richards sa Fruitas Holdings, Inc. to endorse Fruitas, at this early, mukhang mare-renew ang kontrata niya. 


Hindi lang kasi talent si Alden, tumulong din siya sa paglatag ng campaign promo at for sure, kasama siya sa mga nag-isip sa newest campaign na “Fruitas For Real: Real Fruits”.


“Right now that I have reached 15 years in the industry, I’ve got to be involved with the brand I’m endorsing. Nagtatanong ako kung saan nila gustong pumunta ang project with the consent of the brand. I’m also open to offer my knowledge. Memorized ko na ang market, gusto kong tumulong para buo ang paglatag ng brand,” sabi ni Alden.


Bago pa siya kinuhang endorser, aware na si Alden sa brand dahil nakikita niya ang mga kiosk sa mall. Kaya dati pa, favorite na niya ang mango at melon flavor.

Sa bahay naman nila sa Laguna, part na ng household nila ang buko juice ng ine-endorse niya ngayon, kaya masasabing meant to be siyang maging endorser nito.


May 850 stores nationwide ang Fruitas at dahil love ng aktor ang product, safe kayang sabihin na baka madagdagan ang number of stores at kabilang sa madaragdag ay franchise ni Alden Richards? 


Papayag naman siguro si Mr. Lester Yu, CEO ng Fruitas Holdings, Inc..


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page