Labs ni Nadine, nag-iba na ng linya… JAMES, MAGBUBUKAS NG RESTO

Julie Bonifacio - @Winner | March 14, 2021

Papasukin na rin ni James Reid ang restaurant business. 'Yan ang ini-reveal ng guwapong aktor-singer sa ikalawang paglabas niya sa recent vlog ng It's Showtime host na si Ryan Bang sa YouTube channel nito.
Pagkatapos gulatin si James nu'ng bigla siyang ipina-hair treatment ni Ryan sa kanyang Korean salon, ipinagluto naman niya ng Korean food ang kalabtim ni Nadine Lustre sa bago niyang vlog.
"You're so sweet, Bro," say ni James kay Ryan.
Tinanong ni Ryan si James kung kailan bubuksan ang restaurant nito sa Poblacion.
Tugon ni James, "Soon."
Pinuri ng mga netizens ang editor ng vlog ni Ryan with James. May pa-slow motion na drama kasi ang editor sa tuwing susubo, sisipsip at didilaan ni James ang pagkain niya. Kaya, lalong naging "katakam-takam" ang dating ni James sa mga netizens (katakam-takam talaga, Ateng Jans? Ako ba ito??? Hahaha!). (At least, natakam ka pa rin kay James. Hehe! — JDN)
Lumabas tuloy na parang mas delicious and yummy pa si James kesa sa iniluto ni Ryan para sa kanya.
In fairness, lalong gumuwapo at fresh si James sa video, hah?
Tapos, nu'ng ipino-promote naman ni James ang kanyang new single titled Soda, lakas makaakit ng kanyang papikit-pikit, pagtaas ng isang kilay at pag-iingles.
Comment ng netizen, "Let's all appreciate Ryan Bang's editor. He makes it even funnier and interesting (sensual and seductive, too) Hayst, hindi talaga nakakasawa si James Reid!"
Inilabas naman ni Ryan ang tampo niya kay James, "Eh, kasi nagtampo ako kay James. Every time, 'James, let's go to Korea. You sleep (in) my house.' 'Okay, okay' (James)," kuwento ni Ryan.
Nagulat si Ryan nu'ng mabalitaan niyang nagpunta si James sa Korea na maraming kasama at hindi siya isinama.
Inisa-isa pa ni Ryan ang names ng mga kasama ni James gaya ng ka-batch din nila sa PBB Teens noon na si Bret Jackson, a certain Sam at si Nadine.
Pinutol ni James ang tila panunumbat ni Ryan sabay sabing, "It's Nadine's birthday."
Ang birthday ni Nadine ay October 13. '
"Bakit hindi ako imbita?" himutok ni Ryan.
Sinagot tuloy siya ni James ng, "It's Nadine's birthday. It's not my birthday."
Pero promise naman ni James kay Ryan, "I'll bring her right here."
Saka lang na-pacify ang tila sasabog na bulkang emosyon ni Ryan.
Nais din daw ni James na makapunta ulit ng Korea to visit Ryan's mom na paborito ang Soda. singer.
Then, binanggit ni Ryan kay James na marami ang nagsasabi na dapat ay magkaroon din ng sarili niyang YouTube channel ang heartthrob BF ni Nadine.
"Vlog? Ehemmm, no. That's not my style," sagot nito kasunod ang matamis na ngiti.
Muling pinilit ni Ryan si James na dapat ay magkaroon sila ng cooking show. Paulit-ulit naman na umiling-iling si James habang nagsasalita pa si Ryan.
Pero ang mga netizens, nakita ang kakaibang chemistry nina James at Ryan.
Bumigay naman si Ryan nu'ng sagutin ni James ang medyo seryoso niyang tanong sa kaibigan, "Halimbawa, nag-offer sa 'yo ang ABS, 'James, you're next show is cooking show with Ryan Bang?'" tanong ni Ryan kay James.
Mabilis na sumagot si James ng "Game."





Comments