Labs na labs daw talaga ang padir niya, Sharon…

KC, DINALA NA SA THE FARM SI GABBY, MAY PA-LOBSTER TREAT PA
ni Nitz Miralles - @Bida | November 10, 2020

Ang mga anak na sina KC Concepcion, Savannah, Sam at pati yata si Garie Concepcion ang kasama ni Gabby Concepcion na nag-celebrate ng kanyang 56th birthday noong November 5.
Sa The Farm sa San Benito, Batangas kung saan matagal nag-stay si KC dinala ng aktres ang ama at mga kapatid.
Sa IG Story ni Gabby, binanggit nitong isang 2-pound lobster ang birthday gift sa kanya ni KC at may kasama pang ibang pagkain.
Sabi ni Gabby, “Thank you for the lobster and dinner treat, my baby” na sinagot ni KC ng “Yaaay! ILY, Papa. Happy birthday.”
Muling sumagot si KC ng “My absolute pleasure Papa!!!! It’s the least I could do to celebrate with YOU!”
Mula kina Savannah at Sam (ang dalawang anak ni Gabby sa wife niya ngayon) galing ang handmade birthday cards na natanggap ni Gabby na sobra nitong ikinatuwa.
Sa bagong litrato ni Gabby, malinis na ang mukha nito, nag-ahit na ng balbas at bigote bilang paghahanda na siguro sa locked-in taping ng First Yaya.





Comments