top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Labs na labs ang mas batang BF… BEA, SUNUD-SUNURAN AT TANGGAP SI DOMINIC KAHIT MAINITIN ANG ULO

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 9, 2023
1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | January 9, 2023




Naiintriga kami sa sinabi ng isang psychic tungkol kay Dominic Roque na BF ni Bea Alonzo.


Although sinabi naman nito na mabait at hardworking si Dominic, madali raw uminit ang ulo ng aktor.


Alam kaya ito ni Bea Alonzo? Nakita na ba ni Bea si Dominic kapag bad mood ito?


Ayon pa sa nasabing psychic, sobrang mahal ni Bea ang BF niya kaya siya na mismo ang nag-a-adjust upang hindi maramdaman ni Dominic ang kanilang agwat.


Noon ay nag-aalangan si Dominic na ligawan si Bea dahil sikat na sikat ang dramatic actress at alam ng lahat na marami na itong properties na naipundar.


Financially stable na si Bea at ayaw ni Dominic na isipin ng lahat na ‘yun ang habol niya kaya ito niligawan.


May ilan pang nagsasabing sumasakay lang siya sa popularidad ni Bea upang makilala at magkaroon ng career.


Ganunpaman, pinatunayan ni Dominic na malinis ang kanyang intensiyon kay Bea, kaya tinanggap siya ng pamilya ng aktres.


Ang inaabangan ngayon ng lahat ay kung kailan magpo-propose si Dominic kay Bea.


Ano pa ba ang nakakapigil kay Dominic upang yayain nang magpakasal ang nobya? For sure, kahit naman simpleng kasal lang na kayang ibigay ni Dominic ay papayag si Bea. Gusto na ring magkaroon ni Bea ng sariling pamilya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page