top of page

Labor Day, kaliwa't kanan ang protesta... Malacañang, bantay-sarado

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 hour ago
  • 1 min read

by BRT @News | May 1, 2026



Labor Day protest - Akbayan Partylist

Photo: Akbayan Partylist



Malawakan at kaliwa't kanang kilos-protesta ang inaasahan mula sa iba't ibang grupo ngayong Mayo 1 o Labor Day.


Ito ay upang igiit ang nakabubuhay na suweldo ng mga manggagawa, mababang presyo ng mga bilihin, at sapat na subsidiya at ayuda.


Kaugnay nito, nakahanda na ang Philippine National Police (PNP) sa pagbabantay, kung saan mahigit 106,000 operatiba ang ipakakalat sa buong bansa upang matiyak ang kaayusan sa gitna ng mga inaasahang kilos-protesta.


Kahapon, pahirapan na rin ang pagdaan ng mga tao sa barikadang maagang inilatag sa General Solano St., Maynila na isa sa mga daanan papasok ng Malacañang. Bahagi ito ng paghahanda sa mga kilos-protesta.


Ayon naman kay PNP Spokesperson Brig. Gen. Randulf Tuaño, ilalagay ang buong puwersa ng pulisya sa heightened alert simula Huwebes hanggang Sabado. Bagama’t walang natatanggap na seryoso o direktang banta sa seguridad, binigyang-diin ni Tuaño na hindi dapat maging kampante ang hanay ng kapulisan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page