Labanang Raptors at Knicks historical kung bakit may NBA
ni Anthony E. Servinio - @Sports | November 3, 2021

Ginunita ng NBA ang ika-75 taon sa panalo ng bisitang Toronto Raptors sa New York Knicks, 113-104, kahapon sa Madison Square Garden. Kasabay ang pagbalik ng Chicago Bulls sa solong liderato matapos talunin ang Boston Celtics, 128-114, sa tapatan ng teams na malaki ang naging papel sa mayaman na kasaysayan ng liga.
Unti-unting binura ng Raptors ang 50-35 lamang ng Knicks sa 2nd quarter sa biglang pag-init ni OG Anunoby hanggang maagaw sa 3ird quarter at hindi na nila ito binitawan. Nagtapos si Anunoby na may 36 puntos at sinundan ni Gary Trent Jr. sa 26 puntos.
Noong Nob. 1, 1946 ginanap ang pinakaunang laro ng Basketball Association of America (BAA) at wagi ang bisitang New York Knicks sa Toronto Huskies, 68-66.
Nagsanib puwersa ang BAA sa karibal na National Basketball League (NBL) noong 1949 upang mabuo ang NBA.
Ilan sa mga bida ng makasaysayang gabi sina Leo Gottlieb at Ossie Schectman ng New York at Ed Sadowski at George Nostrand ng Toronto. Libreng makapasok ang tagahangang mas matangkad sa 6’8” na si Nostrand.
Sinayang ng 17-time World Champion Celtics ang 96-77 sa 3rd quarter at biglang nanuwag ang Bulls. Ang nagawang 37 puntos ni DeMar DeRozan at 27 ni Zach LaVine ang umabante at tuluyang iwanan ang kalaban at umakyat sa 6-1 panalo-talo.
Samantala, wagi ang Philadelphia 76ers sa Portland Trail Blazers, 113-103, ang rematch ng 1977 NBA Finals kung saan nakuha ng Blazers ang ag-iisang kampeonato. Namuno sa atake ng 76ers si Seth Curry na may 23 puntos.
Sa ibang laban, tinambakan ng Indiana Pacers ang San Antonio Spurs, 131-118, sa pagharap ng mga koponan galing sa dating American Basketball Association (ABA).
Lumipat ang dalawang koponan kasama ng Denver Nuggets at New York Nets (ngayon ay Brooklyn Nets) sa NBA matapos malugi at magsara ang ABA noong 1976.





Comments