top of page

Labanan ng boobs… SUE, PANTAPAT KAY ANDREA BILANG CALENDAR GIRL

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 13 hours ago
  • 3 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | November 27, 2025



Sue Ramirez at Andrea Brillantes - IG Ginebra Tanduay

Photo: File / FB Sue Ramirez at Andrea Brillantes - IG Ginebra Tanduay



Si Sue Ramirez ang bagong Calendar Girl 2026 ng Ginebra San Miguel!

Pormal nang ipinakilala kagabi si Sue sa ginanap na calendar launch ng GSM sa Diamond Hotel.


Dream come true pala para kay Sue na maging Calendar Girl at ngayon ay lume-level na siya sa mga naunang Calendar Girl ng GSM na sina Marian Rivera, Pia Wurtzbach, Arci Muñoz, Yassi Pressman at Julie Anne San Jose (2025).


In fairness kay Sue, kahit naka-two-piece, ‘di bastusin ang tinaguriang Street Siren at asset niya talaga ang kanyang boobs na kering-kering pantapat kay Andrea Brillantes na Calendar Girl ng kalabang brand ng GSM.


Just wondering kung ano kaya ang reaksiyon ng BF niyang si Dominic Roque.

Itsitsika namin sa inyo once makapanayam namin siya.



NASA ika-anim na taon na palang isinasagawa ang taunang CineGoma Film Festival sa pangunguna ng founder at CEO ng RK Rubber na si Mr. Xavier Cortez.


Last Nov. 24, sa pamamagitan ng parada na nilahukan ng mga student filmmakers mula sa iba't ibang unibersidad sa buong bansa, na sinundan ng ribbon cutting sa Quezon City Museum, pormal nang sinimulan ang 2025 CineGoma Film Festival.


Ayon kay Mr. Cortez, nu'ng una ay nagsimula lang sila sa Rubber K team building activity ng mga employees kung saan inengganyo niya ang mga ito na i-express at ipakita ang kanilang mga talento sa sining ng paggawa ng short films.


Sa unang taon, 6 lang ang naging kalahok na pelikula pero kada taon ay nadaragdagan ang mga sumasali mula sa mga aspiring indie filmmakers at this year ay umabot na nga sa 40 ang entries, kung saan huhusgahan ang best film, actor, actress at iba pang category sa gaganaping awards night sa Nov. 29 sa Quezon City University.


“Sa CineGoma, binibigyan natin ng boses ang lahat, lalo na ang maliliit. Lahat tayo ay may kuwento na gusto nating iparinig. Naniniwala kami na lahat naman ay nagsisimula sa maliit,” pahayag ni Mr. Cortez sa kanyang speech.


Nagsimulang mapanood ang mga pelikulang kasali sa CineGoma nu'ng Nov. 24 sa QCX, Quezon City Circle, at sa Coffee Spot sa Minnesota Mansion sa Ermin Garcia Street. 


Ngayong November 27 and 28, may special screenings sa Sine Pop sa Cubao.

May 25 student films, 15 professional entries, dalawang AI storytelling, and 5 RK Exclusive films ang mapagpipiliang panoorin.



DAHIL sa magkasunod na mga bagyong Tino at Uwan na humagupit sa bansa, libu-libong kabuhayan, tahanan, at pangarap ang inanod ng baha, habang marami ang iniwang nagluluksa sa pagkawala ng kanilang mga mahal sa buhay.


Sa kasagsagan ng Bagyong Uwan noong Nobyembre 9, napanood ang buong pwersa ng News5, RPTV, One News, One PH, at True Network sa isang comprehensive coverage na naghatid ng live at real-time na updates tungkol sa kalamidad. 


Upang agad makapag-abot ng tulong, inilunsad ng TV5, sa pamamagitan ng Alagang Kapatid Foundation Inc. (AKFI) at sa suporta ng buong MVP Group, ang Tulong Mga Kapatid Bayanihan Drive na opisyal na binuksan noong Linggo, Nobyembre 9, sa isang espesyal na episode ng TV5 OPM countdown show na Vibe.


Pinangunahan ang launch nina MediaQuest Holdings Chairman Manny V. Pangilinan (MVP), MediaQuest Holdings President and CEO Jane J. Basas, at AKFI Executive Director Menchie Silvestre, kasama ang mga heads ng MVP foundations, pati na rin ang mga Vibe Jocks na masigasig na nag-udyok sa mga kapwa Gen Z viewers at sa publiko na makilahok sa bayanihan.


Kasabay nito, inanunsiyo rin ng TV5 ang Tulong Mga Kapatid Bayanihan Drive Live Selling, na natunghayan sa TV5 Facebook noong Nobyembre 14 bilang isang moderno at interaktibong paraan ng bayanihan kung saan nakatulong ang mga manonood sa mga kababayang nasalanta ng bagyo sa pamamagitan ng pag-“mine” sa mga pre-loved items ng kanilang mga paboritong Kapatid artists at news anchors.


Kasama sa mga pre-loved items na ito ay ang mga idinoneyt ng mga Kapatid stars na sina Cedrick Juan, Inday Fatima, at Iven Lim, pati na rin ng News5 anchors na sina Julius Babao, Tintin Bersola, Maoui David, Alvin Pura, Ces Drilon, at Cheryl Cosim. Kasama rin ang mga pre-loved items mula sa mga representatives ng Blackwater Bossing na sina sports analyst Nikki Villasin at PBA player Dalph Panopio. Nagbahagi rin ng kanilang mga pre-loved items ang GMK anchors na sina Dimples Romana, Chiqui Roa-Puno, Andrei Felix, at Angela Lagunzad-Castro. 


Lahat ng kita mula sa live selling event ay direktang makakatulong sa mga kapatid na nasalanta ng bagyong Tino at Uwan, patunay ng diwa ng bayanihan na buhay na buhay sa TV5 at sa mga Kapatid celebrities.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page