Gov. Vilma, super proud sa anak… LUIS, RESERVIST NA NG PHIL. COAST GUARD
- BULGAR

- 24 minutes ago
- 2 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | March 2, 2026

Photo: IG _rosavilmasantosrecto
Buong-pagmamalaking ibinahagi ni Star for All Seasons at Batangas Governor Vilma Santos sa Instagram (IG) ang pagkilala kay Luis Manzano bilang Auxiliary Commodore ng Philippine Coast Guard (PCG).
Ipinost ni Ate Vi ang video ng pagkilala kay Luis ng PCG bilang bago nilang reservist.
Caption ni Ate Vi, “Congratulations, Luis! Auxiliary Commodore! Proud of you.”
Sey ng mga netizens, “Wow! Proud momma for your boys. Luis is a remarkably good-looking, smart, and kind man.
“Keep up the good work. Lucky.”
“Huge kudos to Lucky for stepping up, giving his time, and setting the standard for what real leadership looks like.”
Sa kabila ng mga papuri, humirit din ang mga bashers ni Luis.
“Magkano nila nabili ‘yan? Preparation ba ‘yan uli para sa 2028 election? Kani-kanyang gimmick para manalo.”
“Wala na kasing career ang mga nasa itaas kaya lahat, pinapasok.”
“Pandagdag-resume sa next election. Budol talaga politics sa Pilipinas.”
“Positioning for another political performance.”
May nagdepensa rin kay Luis laban sa mga bashers niya.
Sey ng mga fans, “Sobra naman. Siguro, ikaw ang wala. Nakalimutan mo ata ipinanganak with a silver spoon ‘yan at hanggang ngayon, ang daming ganap at mga endorsements. Maka-comment ka lang, ‘noh? Masyado kang papansin.”
“Ang daming inggit basta may nakikitang accomplishments ang isang tao, bash agad-agad. Magsumikap kayo para kayo rin. ‘Di ba ninyo nakikita kung sino ang binibigyan ng biyaya ng Diyos?”
“May mga TV-movie offers pang tinanggihan, makapagsilbi lang. Kayo, walang offer, wala pang masabing tama.”
“Mayaman na sila long before that, mga bashers.”
Tumpak!
MISMONG si Coco Martin ang nag-alok sa ABS-CBN ng bagong serye nila ni Julia Montes titled Sigabo, ang papalit sa FPJ’s Batang Quiapo (BQ).
“Para iba naman,” ngiti ni Coco.
Aniya, “Para makapagbigay naman ng saya, ng inspirasyon, ‘di puro iyakan. Kumbaga, sabi ko nga, this time, medyo light lang. Mas pampamilya, pambata. Pero pagdating sa aksiyon, s’yempre, nandu’n pa rin para sa ating mga tatay, sa ating mga lolo, sa mga nanay at tatay.”
Natanong namin si Coco kung ano ang naging reaksiyon ni Julia nang malaman nito ang bago nilang proyekto.
“Excited, sobrang excited, and ako rin. Kasi sobrang tagal na rin namin na ‘di nagsama, eh. Nu’ng nag-guest lang po s’ya sa Ang Probinsyano. And then finally, this time, ‘yung show ay para sa aming dalawa,” tsika pa ni Coco.
Malay natin, baka biglang lumitaw sa bagong serye nina Coco at Julia ang sinasabing anak o mga anak ng sikat na celebrity couple?
Gulatin na lang kaya nina Coco at Julia ang mga viewers nila sa Sigabo sa paglitaw ng natsitsismis na anak nila?
Itodo na talagang pampamilya, ‘di ba?
Anyway, bago ang show ni Coco Martin with his reel-and-real partner na si Julia Montes, may isang linggo pang mapapanood ang Batang Quiapo.




Comments