top of page
BIDA - JANELLA KAY KLEA I LOVE YOU SO MUCH, MY BABY, MY LOVE, MY SWEET BABY BOO!-IG _kleap

Laban sa ICC arrest warrant... Walang TRO para kay Bato — SC

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 14
  • 1 min read

ni Jeff Tumbado @News | May 14, 2026



Sen. Ronald Bato Dela Rosa - FB

Photo: File / Sen. Ronald Bato Dela Rosa - FB



Inatasan ng Kataas-taasang Hukuman ang Ehekutibo na magsumite ng komento sa loob ng 72 oras kaugnay ng mosyon ni Senador Ronald dela Rosa na kumukuwestiyon sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng International Criminal Court (ICC) laban sa kanya.


Gayunman, hindi naglabas ng Temporary Restraining Order (TRO) ang Korte Suprema kaugnay ng petisyon ng senador.


Kabilang sa mga inatasang magsumite ng paliwanag ang Office of the Executive Secretary, Department of Justice (DOJ), National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP). 


Noong Mayo 11, 2026, inalis ng ICC ang pagiging confidential ng warrant laban kay dela Rosa at pinangalanan siyang “indirect co-perpetrator” sa umano’y mga krimen at crimes against humanity kaugnay ng madugong kampanya kontra ilegal na droga noong administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.


Ayon sa mga dokumento, unang inilabas nang nakaselyo ang warrant noong Nobyembre 6, 2025.


Nitong nakaraang Lunes ay tinangkang arestuhin ng mga tauhan ng NBI si Dela Rosa sa Senado subalit nakatakas ito. 


Dahil dito, agad na humingi ng interbensyon sa Korte Suprema ang legal team ng senador sa pamamagitan ng isang “extremely urgent supplemental manifestation.”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page