Laban kontra-baha, epektib — PBBM... Abot-leeg na baha noon, tuhod na lang ngayon
- BULGAR

- 1 hour ago
- 1 min read
by BRT @News | August 12, 2026

Photo: Mismong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang personal na nag-inspeksyon sa High Vacuum Self-Priming Drainage Trailer Pump sa bahagi ng Alido Bridge, Barangay Zapote, Las Piñas City, umaga ng Martes. Ang naturang mekanismo ay papaganahin lamang tuwing may baha sa lugar. (Jeff Tumbado)
Ipinagmalaki ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang aniya’y hindi na ganoon kalalang baha na nararanasan tuwing bubuhos ang malalakas na ulan.
Kasunod ito ng pag-inspeksyon ni PBBM sa high-vacuum self-priming drainage trailer pump sa Alido Bridge sa Brgy. Zapote, Las Piñas City, kahapon, Agosto 11.
“Good morning, everyone. Nandito ngayon tayo sa Las Piñas, tinitingnan natin ang effect ng naging malakas na ulan [sa] nakaraang ilang araw,” ani PBBM.
“Mabuti naman ay tama naman dahil sa binigay kong instruction sa DPWH, patuloy ‘yung dredging na ginagawa—and mukhang nagkaroon naman ng epekto.
“Hindi ganoon kalala ang [pagbaha], medyo nabawasan. Dati hanggang sa leeg, hanggang dibdib umaabot; ngayon, eh wala pa, kulang pa sa tuhod ang baha,” dagdag pa niya.
Giit ng Pangulo, epektibo ang kanilang dredging at ilang operasyon kontra-baha.
“So effective naman ang ating ginagawa ngunit alam naman nating kulang pa rin ‘yan.
Marami pa tayong kailangang gawin dahil itong halimbawa sa dredging, ngayon lang tayo nagde-dredge ulit na tinigil ng moratorium sa dredging for 12 years,” anang Pangulo.
Matatandaang nalubog sa baha ang iba’t ibang bahagi ng bansa, partikular na ang Luzon, bunsod ng mga bagyo at habagat.





Comments