top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

La Trouppei, sumikwat ng titulo sa Juvenile

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 6, 2022
1 min read

ni Green Lantern - @Renda at Latigo |December 6, 2022


Sinisiw ni La Trouppei ang kanyang mga katunggali upang sikwatin ang titulo sa PHILRACOM "2nd Leg Juvenile Stakes Race na inilarga sa Metro Turf, Malvar sa Batangas noong Linggo ng hapon.


Napasaya ni La Trouppei ang kanyang mga fanatiko dahil sa ipinakita nitong husay sa pagtakbo kung saan ay nakipagtagisan ito ng bilis sa rektahan.


Banatan sa unahan sina Istulen Ola at Secretary, nakatutok sa tersero si Jaguar habang nanonood sa bandang likuran si La Trouppei.


Hindi nagtagal ay nakisali na sa harurutan sa unahan sina Jaguar at La Trouppei at umabot sa huling kurbada ang bakbakan. Kanya-kanyang diskarte ang mga hinete sa rektahan, mainit ang naging labanan kung saan ay halos leeg lang ang pagitan ng panalo ni La Trouppei kay Jaguar.


Nirendahan ni jockey Kelvin Abobo si La Trouppei para irehistro ang tiyempong 1:25 minuto sa 1,400 meter race sapat upang hamigin ng winning horse owner ang P1,080,000 premyo.


Dumating na segundo si Jaguar, nasungkit nito ang P360,000 habang napunta sa third placer na si Istulen Ola ang P180,000 sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.


Pang-apat si Gintong Hari na nag-uwi ng P90,000 habang P54,000 ang sinikwat ng 5th placer na si Earli Boating.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page