top of page
BULGARY - FYANG, SINABIHANG ANG KAKAPAL NG MUKHA NG MGA TODO-SUPPORT SA THAI ACTORS KESA M

La Trouppei, mahusay, panalo sa Stakes Race

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 18, 2023
  • 1 min read

ni Green Lantern @Renda at Latigo | April 18, 2023


Nakitaan ng husay si La Trouppei sa rektahan matapos manalo sa 2023 PHILRACOM "Road to Triple Crown Stakes Race" na nilarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas noong Linggo ng hapon.


Sinakyan ni class A rider Kelvin Abobo, ipinuwesto nito ang sinakyan na La Trouppei sa pang-pito sa largahan upang panoorin sa unahan ang kumaskas na si Secretary.


Nasa pang-apat ang Jaguar subalit pagdating ng far turn ay naungusan na ito ng anak nina Brigand at Betty H na si La Trouppei.


Padating ng home turn ay kumukuha na ng unahan si La Trouppei pero bakbakan pa rin ang naging laban sa rektahan kina Jaguar at Going East.


Hindi nasira ang diskarte ng winning horse at nanatili ang tikas nito kaya nanalo ito ng halos leeg lang ang pagitan sa pumangalawang Jaguar at kalahating kabayong bentahe sa tumerserong Going East.


Inilista ni La Trouppei ang tiyempong 1:40,6 sa 1,600 meter race sapat upang hamigin ng horse owner na si Melaine Habla ang P600,000 premyo.


Nasungkit ni Jaguar ang P200,000 habang P100,000 ang napunta sa third placer na si Going East sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuo ni chairman Reli De Leon.


Samantala, pinapahinga na si La Trouppei upang paghandaan ang sasalihang stakes race.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page