La Trouppei at Going East, papalag sa Turf
- BULGAR
- Apr 13, 2023
- 1 min read
ni Green Lantern @Renda at Latigo | April 13, 2023
Hindi nasisindak sina La Trouppei at Going East sa galing ni Jaguar sa karerahan kaya naman papalag ang mga ito sa magaganap na 2023 PHILRACOM Road to Triple Crown Stakes race na pakakawalan sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas sa Linggo ng hapon.
Pinag-uusapan sa social media ang kalahok na sina La Trouppei at Going East na posibleng makakuha rin ng malaking suporta sa mga karerista pagtaya nila sa Off-Track betting stations (OTBs).
Rerendahan ni class A jockey Kelvin Abobo si La Trouppei habang si Andreu Villegas ang sasakay kay Going East sa event na may distansiyang 1,600 meter race.
Bukod kina La Trouppei, Going East at Jaguar ang ibang nominado sa karerang suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De leon ay sina Earli Boating, Easy Way, Port Kennedy, Sartorial Elegance, Secretary, Sweetie Giselle at Winner Parade.
Nakalaan na P1-M garantisadong premyo na ikakalat sa unang anim na kabayong tatawid sa meta, isa pang tinitingnan ng mga karerista na magpapakitang-gilas ay si Secretary na rerendahan ni MM Gonzales.
Hahamigin ng mananalong kalahok ang P600,000, mapupunta sa second placer ang P200,000, habang P100,000 sa tersero. Ibubulsa ng 4th hanggang 6th ang tig- P50,000, P30,000 at P20,000 ayon sa pagkakahilera.
Mag-uuwi rin ng P50,000 ang breeder ng winning horse habang tig-P30,000 at P20,000 ang second at third. Paniguradong naghahanda ng todo ang mga trainers at hinete upang puntiryahin ang inaasam na premyo.





Comments