top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

La Salle, tuloy ang ensayo sa Japan para sa UAAP Tilt

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 28, 2023
2 min read

ni Anthony E. Servinio @Sports | June 28, 2023




Sariwa pa ang kampeonato ng EcoOil sa 2023 PBA D-League Aspirants Cup noong Lunes subalit walang panahon para magpahinga. Patuloy pa rin ang trabaho para sa De La Salle Green Archers patungo sa inaasam na kampeonato sa UAAP.


Ayon kay assistant coach Gian Nazario na tumayong head coach para sa katatapos na torneo, ang mga naglaro sa D-League ay halos magbubuo ng koponan ng paaralan para sa UAAP Season 86 ngayong Setyembre. May nakalinya silang torneo at ensayo sa Japan at ilang mga palaro sa Agusan at Davao kung saan makakaharap nila ang mga makakatapat sa UAAP.


Dagdag ni Coach Nazario na inihalintulad ni head coach Topex Robinson ang kampeonato sa UAAP bilang kanilang North Star na ginagamit na gabay ng mga sinaunang marinero tuwing naglalayag sila sa karagatan. Nagkataon na ang tinalo nila para sa kampeonato ay ang Marinerong Pilipino.


Pinatunayan ni Best Player of the Conference Kevin Quiambao na walang nakakabit na malas kapag nagawaran ng nasabing tropeo at agad bumomba ng apat na three-points patungo sa 26 puntos at 10 rebound sa 89-74 panalo sa Game Two. Ipinaliwanag ni Quiambao na sumusunod at nagtitiwala lang siya sa proseso na inilatag ng kanilang mga coach.

Inamin din ni Coach Nazario na gumawa ang mga coach ng paraan upang mapawi agad ang mapait nilang 76-87 talo sa UP.


Ang mga ginamit na manlalaro sa dalawang torneo na kasama sa listahan para sa UAAP sina Quiambao, Mark Nonoy, Michael Phillips, Cyrus Austria, Evan Nelle, Francis Escandor, EJ Gollena, Bright Nwankwo, Raven Cortez, Prince Alao, Ben Phillips, JC Macalalag, Joshua David, EJ Abadam at Joaqui Manuel. Nilinaw ni Coach Nazario na bukas pa sila sa pagbabago at titingnan ang mangyayari sa susunod na tatlong buwan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page