top of page
Search
  • BULGAR

Kylie Verzosa, biktima ng body-shaming

ni Angela Fernando - Trainee @Entertainment | April 24, 2024




It's been a good ride raw para sa career ng aktres, model, at beauty queen na si Kylie Verzosa, base sa kanyang naging panayam kasama si Luis Manzano sa “Luis Listens.”


Proud na ibinahagi ni Kylie ang kanyang pagmamahal sa mga bodysuits at ipinakilala ang brand n'yang “Solā” na very personal sa kanya dahil empowering ito sa maraming kababaihan.


Nausisa ni Luis sa naging interview niya sa beauty queen kung paano hinaharap ni Kylie ang body-shaming at kung marami pa rin ang nambabatikos sa katawan nito.


Inamin ni Kylie na marami pa rin ang namumuna sa kanyang katawan pero very healthy daw siya at talagang inaalagaan niya ng balanced diet at exercise to stay body positive.


Hinangaan naman ni Luis si Kylie sa pagsagot nito at maraming netizens ang naka-relate sa ibinahagi nitong kwento. Hirit pa ng marami, may mga tao raw talagang hindi mabilis magpalaki ng katawan but it's totally valid and normal.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page