KYLIE, NAPIKON NA TINAWAG NA TUYOT AT RETOKADA, MAGDEDEMANDA
ni Beth Gelena @Bulgary Files | March 7, 2023

Inalmahan umano ni Kylie Verzosa ang headline ng isang article kung saan tinawag siyang "tuyot at retokada".
Matatandaang nakilala si Kylie sa kanyang matagumpay na Miss International bid noong 2016.
Nag-shift siya sa showbiz at nakilalang magaling na aktres sa The Housemaid, Pinoy adaptation ng Korean film, na pinagbidahan nila nina Albert Martinez, Jaclyn Jose at Alma Moreno.
Nanalo rin si Kylie bilang Best Actress sa Distinctive International Arab Festivals Awards (DIAFA) noong 2022.
Pero kamakailan nga, isang artikulo ang lumabas dahil may namba-bash umano sa kanyang larawan na naka-post sa kanyang IG account.
Ani Kylie, "These headlines are terrible! Calling my lawyer."
Maging ang mga fans at supporters ng actress ay nadismaya.
Ani @shysuzy_, “Dapat talaga, hindi tino-tolerate 'yung mga ganyan, the more na walang nagko-call out and nagte-take ng action, mas nagiging rampant 'yung mga ganyan. Gooo queen! Teach them a lesson!!”
Sabi naman ni @luvkylieverzosa, “Go Queen, you are beautiful don’t let them tell you otherwise.”
At komento rin ni @CieqaTheBest, “VERY WRONG!! Go queen, we are here to support you.”
Ang tanong ng mga netizens, itutuloy kaya ni Kylie na ipalakad ito sa kanyang abogado?





Comments