top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Kylie, may bago na raw dyowa… AJ AT ALJUR, LIBRE NANG LUMANTAD AT UMAMING MAY ANAK NA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 20, 2023
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | January 20, 2023




Ngayong inilantad na ni Kylie Padilla ang bago niyang karelasyon na isang tattoo artist (although hindi pa niya ito inaamin), may mga nagsasabing puwede na rin daw lumantad sina Aljur Abrenica at AJ Raval at kumpirmahin ang kanilang relasyon.


Obvious na obvious naman na si AJ ang bagong babae ngayon sa buhay ni Aljur. May mga sightings na lagi silang magkasama na nagbabakasyon out of town.


At hinihintay na rin ng lahat na aminin ni AJ na may anak na sila ni Aljur. Maugong na maugong ang bali-balitang nanganak na si AJ pero todo-deny siya.


Posibleng kaya ayaw pang aminin nina AJ at Aljur ang totoo ay dahil nag-aalala sila sa banta noon ni Kylie na magdedemanda sakaling mapatunayan na may anak na si Aljur kay AJ.


Pero mukhang maiiba na ang sitwasyon ngayon dahil inilantad na rin ni Kylie Padilla sa kanyang Instagram post ang larawan nila ng bagong karelasyon. Dahil dito, tiyak na hindi na raw maghahabol pa kay Aljur si Kylie. Kaya na niyang itaguyod ang dalawa nilang anak na sina Alas at Axl Romeo. May mga projects siya ngayong ginagawa tulad ng Mga Lihim ni Urduja at may movie sila ni Gerald Anderson na nag-shoot abroad.


Ang dapat na ayusin nila ngayon ay ang annulment ng kanilang kasal. That is... kung wala na silang balak na magkabalikan pa.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page