top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Kylie, dahil idinispley na rin ang BF, safe na… ALJUR AT AJ, AFTER ILANTAD ANG RELASYON, ANAK, NEXT

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 19, 2023
1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Febuary 19, 2023




Todo-tanggi si Aljur Abrenica nang unang mabunyag ang relasyon nila ni AJ Raval.


Kahit madalas na silang nakikitang magkasama sa kanilang mga lakad out of town, wala pa rin siyang masabing label ng relasyon nila ng sexy star na anak ni Jeric Raval.


Nag-aalala siya sa maaaring gawin ni Kylie Padilla na posibleng humantong sa korte.


Pero, nang lumabas na rin sa social media ang ilang larawan ni Kylie at ng rumored boyfriend nitong tattoo artist, unti-unti na ring inilalantad ni Aljur si AJ.


At proud na proud ngayon si AJ sa pagsasabing mahal na mahal niya si Aljur kahit ano pa ang kanilang pagdaanan.


Well, ang inaabangan ng lahat ngayon ay ang pag-amin ni AJ Raval na nagsilang na siya ng kanilang anak ni Aljur Abrenica.


May ilang reliable source ang nagpapatunay na nanganak na si AJ sa isang ospital sa Metro Manila.


Mismong sa nasabing ospital daw nagtatrabaho ang nakakilala kay AJ nang ito ay magpa-admit sa ospital.


Pero, itinatanggi nga ito ng kampo ni AJ Raval at todo-deny na nanganak ang sexy star.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page