top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Kyiv Mayor ex-boxing champ Klitschko, armado na vs. Russia 

BULGAR
Mar 1, 2022
2 min read

ni MC - @Sports | March 1, 2022



Aarmasan umano ni dating heavyweight boxing champion Vitali Klitschko ang sarili maging ang kanyang kapatid na isa ring Hall of Famer na si Wladimir Klitschko para maipaglaban ang bayan nilang Ukraine na kinukubkob sa madugong paraan ng Russia.

Halos limang araw nang naglulunsad ang Russia ng pagsalakay ng mga tangke at eroplanong pandigma matapos ideklara ang digmaan ni Russian President Vladimir Putin at salakayin ang Kyiv, kung saan ay alkalde roon si Klitschko mula pa noong 2014, ang kapital ng Ukraine. Halos daang libo nang katao ang lumikas mula sa siyudad na inaatake ng mga bomba at tangke ng mga Ruso. Ilang daan na rin ang namatay.


Handa umanong pamunuan ni Klitschko ang pakikipagbakbakan. "I don't have another choice, I have to do that. I'll be fighting," ayon sa 50-anyos na kilala ring "Dr Ironfist" sa panahon ng kanyang boxing days, sa isang broadcast ng ITV's Good Morning Britain.


Prayoridad ni Klitschko sa Kyiv na ihanda ang pulisya at military forces na protektahan ang mga imprastraktura na dinaraanan ng delivery ng gas at tubig maging ang sources ng elektrisidad para sa kapakanan ng taumbayan. Nakahanda na rin ang mga sibilyan at nakaarmas na ang marami bilang mga sundalo ng Kyiv. "I believe in Ukraine, I believe in my country and I believe in my people," saad ni Klitschko.


Naging enlisted reserve army ng Ukraine ang dating heavyweight champion na si Wladimir Klitschko at aniya ang pagmamahal niya sa bayan ang rason para depensahan ang mamamayan. "The Ukrainian people are strong. And it will remain true to itself in this terrible ordeal. A people longing for sovereignty and peace. A people who consider the Russian people their brothers," aniya sa post sa LinkedIn. "It knows that they basically do not want this war. The Ukrainian people have chosen democracy.


"But: Democracy is a fragile regime. Democracy cannot defend itself; it needs the will of the citizens, the commitment of everyone. Basically, there is no democracy without democrats."

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page