Kyeong Ho astig sa time trial, handa sa Baguio Killer Stage
- BULGAR

- 6 hours ago
- 2 min read
ni Elyssa Nichole @Sports | May 13, 2026

Photo: Stage 13 Individual Time Trial Classification Podium Winners sina (gitna) 1. #91, Min, Kyeong Ho (SCT) (kaliwa) #123 Shulchenko, Nikita (LCW) at Filipino #52 Javiniar, Joseph (EXN) sa Tour of Luzon kahapon sa Lingayen, Pangasinan. (mptcpix)
Lingayen, Pangasinan - Sinigurado ni Korean rider Kyeong Ho ng Seoul Cycling Team na masisikwat nito ang panalo sa Stage 13 ng MPTC Tour of Luzon na nagsimula at nagtapos sa Lingayen Baywalk, dito kahapon.
Inirehistro ni time-trial specialist Min ang 25 minuto at 39 segundo sa 20 kms. Individual
Time Trial, pangalawang mabilis na oras ang may tangan ng yellow jersey na si Russian all-rounder Nikita Shulchenko ng LCW UAE Cycling team.
May 22 segundo ang lamang ni Min kay Shulchenko, dumating na tersero si Joseph Javiniar ng Excellent Noodles Cycling team habang pumang-apat si Nash Joshua Lim ng MPT Drivehub Cycling team.
Inamin ni Min na nadismaya siya sa resulta sa Stage 7 kung saan ay nangunguna siya sa oras at may 5 siklista na lang ang pumapadyak, pero inalat ang Tour of Korea champion dahil naungusan pa siya at lumanding sa 3rd place.
"I'm disappointed last time (Stage 7) I expect to win but this time I’m more fresh and I have more confidence," saad ni Min.
Hindi naman natinag sa tuktok ng Individual General Classification si Shulchenko nangunguna pa rin ito sa nalikom na 36 oras, 42 minuto at 22 segundo, isusuot niya ang Yellow Jersey ngayong araw pagkarga ng 181.80 kms. Stage 14 Lingayen - Baguio.
Nasa pangalawa sa IGC ang malupit sa akyatan na si Frenchman Antoine Huby ng 7Eleven Cliqq Roadbike Philippines, 3 minuto at 50 segundo ang hinahabol nito kay Shulchenko. “There’s no relaxing yet. I will try my best to win,” ani Shulchenko.
Naka-puwesto sa tersero ng IGC si Syrian cyclist Ibrahiem Yousef Alrefai ng LCW UAE Cycling team habang pang-apat si Lim.
Samantala, nanatili sa unahan ng Team General Classification ang 7Eleven Cliqq Roadbike Philippines, pangalawa ang Go for Gold Philippines habang pangatlo ang Standard Insurance Philippines.





Comments