Kuya, napagod na raw sa pagtulong… JEREMIAH, INAMING PINABAYAAN NA SIYA NI ECHO

ni Vinia VIvar @Frankly | October 29, 2026

Photo: FB Jhen Go & IG _jerichorosalesofficial
Inamin ng nakababatang kapatid ni Jericho Rosales na si Jeremiah na napagod na rin ang kuya niya sa pagtulong sa kanya and in fact, ilang taon na rin daw silang hindi nagkikita.
Si Jeremiah ay dati ring aktor na naligaw ng landas at umaming nalulong sa ipinagbabawal na gamot.
Matatandaang noong nakaraang Hunyo ay naiulat ng kanyang asawa na si Jhen na nawawala ang utol ni Echo at makalipas ang ilang araw ay natagpuan ito sa Bicol sa kanyang mga relatives.
Kasunod nito ang mga intriga at mga tanong ng netizens kung bakit tila pinabayaan na ni Echo ang kapatid.
Pero sa panayam ni Jeremiah few months ago kay Julius Babao ay sinabi naman niyang tinutulungan siya ng kanyang kuya.
Sa latest interview ng dating aktor sa vlog ni Ogie Diaz kasama ang misis, sinabi niyang naiintindihan niya kung bakit tila napagod na sa kanya ang kapatid.
“‘Di naman na ako paslit, ‘di ba? Kumbaga, sa sobrang dami na n’yang itinulong sa ‘kin, siguro, napagod na rin ‘yung tao, ‘di ba? Kakatulong na kumbaga, ‘di n’ya kami nakikitaan talaga ng tunay na ano, kumbaga, magulo. Magulo kami, may mga scandal. Naiintindihan ko ‘yun,” aniya.
Pero kahit galit sa kanya ang kuya niya ay okay lang sa kanya dahil kasalanan naman daw talaga niya. Alam din niyang hindi na siya responsibilidad ni Echo at sinabihan na rin daw siya nito na “Bahala ka na sa buhay mo.”
Kuwento ni Jeremiah, “Since 2023, 2024, wala na. Saka, ‘di pa kami nag-uusap, since the day na lumabas ako (sa rehab).”
At one point ay naging emosyonal si Jeremiah nang sabihin niyang gusto niyang mag-reach out kay Echo pero natatakot at nahihiya siya.
“Nasanay ako na laging nand’yan ‘yun, eh. Saka noon talaga, maganda ang buhay namin. Ngayon talaga, Kuya Ogs, sinasabi ko sa ‘yo, isang kahig, isang tuka kami. Pero laban lang,” emosyonal na sabi ni Nuki (tawag kay Jeremiah).
Sa ngayon ay pinipilit daw niyang bumangon sa sariling sikap at alam daw niyang magagawa niya ito.
Samantala, masaya raw siya para kay Echo at sa girlfriend na si Janine Gutierrez. Gustung-gusto raw niyang makita ang kuya niya pero pakiusap niya, sana raw ay huwag na siyang ipa-rehab ng kapatid.
Alam naman daw niyang mahal din siya ni Jericho dahil lagi siyang kinukumusta nito sa anak niyang babae.
WALANG prenong aksiyon ang hatid ni Coco Martin sa kanyang mas umiigting na misyon kontra sindikato habang patuloy na nagbibigay-kilig sa mga eksena nila ni Julia Montes sa patok na Kapamilya teleseryeng Coco Martin’s Sigabo.
Mapapanood sa mga susunod na episodes ang mas malupit na aksiyon at maangas na stunts ni Coco bilang Gabo, na sasabak sa matinding bakbakan para pigilan ang ilegal na human trafficking operations nina Raul (Ricardo Cepeda) at Misty (Ina Raymundo), gamit ang kanyang high-tech na mga armas mula sa Anino, ang sikretong organisasyon ng gobyerno na lumalaban sa mga bigating sindikato.
Kaabang-abang din ang mga lambingan nina Gabo at ng kanyang pekeng misis na si Gloria (Julia Montes). Matapos magselos ni Gloria kay Misty, todo-suyo si Gabo at buong-tapang na ibubunyag sa radyo ang wagas niyang pagmamahal sa misis.
Samantala, nagsisimula na ring kumilos ang mga Zafra, ang mortal na kaaway nina Gabo at Gloria, para linisin ang pangalan ni Victor (JM De Guzman) upang tuluyan na rin itong mailabas sa kulungan.





Comments