top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Kuya Kim, pinatutsadahan dahil kay Karylle… VICE: GUSTO NIYA 'YUNG MAGKAKAAWAY TAYO

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 5, 2023
2 min read

ni Beth Gelena @Bulgary Files | February 5, 2023




Ayon sa mga netizens, pakiwari nila ay si Kim Atienza ang pinatututsadahan ni Vice Ganda sa dialogue na binitiwan niya sa It's Showtime! last Friday.


Sabi kasi ni Vice, “Gusto niya 'yung magkakaaway tayo kunwari, tapos maraming magla-like-like para involved sila. Yes! Trending din siya, nakuha niya ang gusto niya. Ikaw talaga, Kuya!”


Bago ang dialogue na ito ni Vice, ang dami kasing ni-like na comment ni Kuya Kim nang mag-trending si Karylle dahil umano sa pagsupalpal ni Vice sa co-host sa kanilang programa nu'ng nakaraang araw.


Nag-ugat naman ang isyu kina Karylle at Vice nang ipaalala ng una ang kantang pinraktis ni Vhong Navarro na hindi nagamit sa show dahil ibinigay umano ng Unkabogable Star sa iba ang piyesa.


Maraming na-hurt for Karylle nang soplahin ni Vice. Sa tagal daw nito sa programa, hindi na ito dapat binabastos.


Dito na pumasok si Kuya Kim nang mag-tweet siya ng suporta kay Karylle.


Ani Kuya Kim, “@anakarylle is one of the kindest souls I know in showbiz. She will never talk negatively against anyone. I love Karylle.”


Dahil dito, ang daming nag-call out kay Vice.


Agad namang nag-tweet ang gay TV host nang mag-trending sila.


Aniya, “Oh so I am being called out. Yes I acknowledge sablay ako du'n. Potah, sablay again.


Bawi po ako. Bawi right away,” sabay sabing okay sila ni Karylle.


Kaya the following day nga ay parang normal na ulit ang lahat sa It's Showtime.


Natuwa pa siya dahil marami raw nanonood sa kanilang programa.


Sabagay, kahit anong nega issue, ang bottom line pa rin ay pinag-uusapan sila.


Samantala, wala pang sagot si Kuya Kim na dati ring co-host sa It's Showtime sa patutsada ni Vice.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page