top of page

KUYA KIM, FEELING ERNIE BARON DAW, ASA LANG NAMAN SA GOOGLE

  • BULGAR
  • Sep 30, 2021
  • 2 min read

ni Julie Bonifacio - @Winner | September 30, 2021



Sa paglipat ni ABS-CBN's TV Patrol weatherman Kim Atienza sa GMA-7, marami ang nagsasabing papalitan niya ang weather anchor na si Mang Tani sa 24-Oras ng Kapuso Network. Naka-based na kasi sa Australia si Mang Tani.


Comment ng netizen, "Mang Tani is threatened, chos!"


"Nag-migrate na kasi si Mang Tani sa Australia kasama buong pamilya kaya si Kim Atienza na yata ang mukhang papalit sa puwesto niya."


Paglilinaw ng ibang netizens, kahit nasa Australia na si Mang Tani, nakakapag-report pa rin daw ang weather anchor sa GMA news.


"Shame on GMA if ever this is true. Sobrang galing ni Mang Tani and talagang ekspertong totoo unlike that guy na feeling Ernie Baron pero before airing, eh, Ginoogle lang ako meaning ng scientific terms. Fact 'yan. 'Kaloka!"


"Wala namang sinasabi na papalitan niya si Mang Tani. Besides, matagal nang nag-migrate sa Australia si Mang Tani."


As usual, may mga 'di pabor sa paglisan ni Kuya Kim sa ABS-CBN.


"Bakit kaya kinuha si Kim Atienza, eh, wala naman siyang maiaambag sa GMA. I mean Mang Tani is legit and Drew Arellano is much better than Kim Atienza."


"Nyek. Wala sa kalingkingan ni Sir Ernie Baron long time ago, meaning 'di ako bilib sa kanya. Hype lang as usual."


At the same time, may mga nag-defend naman kay Kuya Kim sa paglipat niya sa GMA-7.

"People need work, if not for income, at least for their sanity. Mahirap din 'yung nakatengga lang, lalo na kung nasanay ka na busy ka dati. As long as they won't burn bridges, go lang."


May suggestion din ang iba sa pag-alis ni Kuya Kim sa TV Patrol ng ABS-CBN.


"If Noli will be running for an electoral post, dapat yata, mag-train na ang News Dept. ng mga bago. Pilay ang Public Affairs Department nila kapag nagkataon."


Suggestion naman ng isang netizen, kay Bernadette Sembrano na lang ipagawa ang news reporting sa TV Patrol.


Naaliw naman kami sa thread ng usapan ng mga netizens kung sino ang puwedeng pumalit kay Kuya Kim.


"Sino kaya'ng papalit kay Kuya Kim as weatherman sa TV Patrol?"


"Baka si Ate Kim. Ate Kim Chiu."


"Tawang-tawa ako. Buset. Haha!"


"Hahaha! Sabaw, este sabog 'yan."


"Ulat panahon, sabaw edition! 'Kaloka ka!"


"So, ano naman ang ire-report ni Ate Kim? 'Umuulan/Bumabagyo/Baha/Matindi ang init sa labas, bawal lumabas.' Genern?"


'Kaaliw, devah?


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page