KUYA KIM, ATRAS MAG-HOST SA EAT… BULAGA!
- BULGAR

- Jun 7, 2023
- 1 min read
ni Beth Gelena @Bulgary Files | June 7, 2023

Ipinost ni Kim Atienza sa kanyang Instagram ang picture na kasama niya sina Billy Crawford at Eric “Eruption” Tai habang sila ay kumakain sa isang restaurant.
Simple, ngunit may laman ang inilagay na caption ni Kuya Kim sa naturang IG post na:
“Eats… Chowtime!”
Kinaaliwan naman ng mga netizens ang naisip na pakulong ito ng TV host dahil tila ay pinagsama niya ang pangalan ng Eat… Bulaga! at It’s Showtime.
Matatandaang nagkasama sina Billy, Eric at Kuya Kim dati bilang mga hosts ng programang It’s Showtime.
Kamakailan nga ay may lumabas na balitang isa si Kuya Kim sa mga napili na maging bagong hosts ng Eat… Bulaga! matapos na kumalas nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon sa nasabing noontime show.
Hindi umano tinanggap ni Kuya Kim ang offer ng TAPE, Inc. at nilinaw nga ng manager ng TV host na si Noel Ferrer ang tungkol dito sa kanyang IG.
Aniya; "THANK YOU FOR KEEPING @kuyakim_atienza ON TOP OF MIND IN PREMIERE HOSTING PLATFORMS (because he certainly works hard and delivers very well in all of them) — but we’d like to clarify that HE CANNOT DO THE EAT… BULAGA! REPLACEMENT SHOW as it conflicts with his prior commitment with the daily program TIKTOCLOCK...”





Comments