Kuwintas, hinablot ng nakamotor... 78-anyos na negosyante, binaril sa mukha

by Levi Gonzales @News | October 1, 2026

Photo: Sta. Teresita PNP - Circulated
Hinablot ang gintong kuwintas at binaril sa mukha ang isang 78-anyos na negosyante ng mga hindi pa nakikilalang suspek sa Brgy. Sinipian, Sta. Teresita, Batangas.
Kinilala ang biktima na si alyas Liberato, 78, may-asawa, negosyante at residente ng nasabing barangay.
Alas-5:17 ng hapon, nakaupo ang biktima sa harap ng kanilang bahay nang dumating ang ilang lalaking sakay ng motorsiklo. Bumaba ang mga ito at hinablot ang suot nitong gintong kuwintas.
Sa kasagsagan ng pang-aagaw, isa sa mga suspek ang bumaril sa biktima at tinamaan ito sa mukha. Agad namang tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklo.
Isinugod ang biktima sa pagamutan para sa kaukulang lunas, habang patuloy ang imbestigasyon at pagtugis sa mga suspek.





Comments