Whole-day marathon, 10AM - 6:30PM... Trial ni VP Sara, Lunes hanggang Biyernes

by BRT @News | October 1, 2026

Photo: Inday Sara Duterte / FB
Magiging whole-day na ang mga pagdinig sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte simula Huwebes, Oktubre 1.
Mula sa dating limitadong oras ng pagdinig, tatakbo na ang trial mula 10:00 a.m. hanggang 6:30 p.m. upang magkaroon ng mas mahabang panahon para sa presentasyon ng mga testigo at ebidensya, cross-examination ng depensa, at pagtatanong ng mga senator-judge.
Nakatakda ang whole-day hearings sa Oktubre 1 at 2, Oktubre 5 hanggang 9, at Oktubre 12 hanggang 15, o kabuuang 11 araw.
Pansamantalang hihinto ang impeachment trial mula Oktubre 16 hanggang Nobyembre 8 upang bigyang-daan ang deliberasyon ng Senado sa panukalang 2027 national budget.





Comments