Petisyon vs. bagong voting threshold, ibinasura ng SC

by Mervin Reyes @News | October 1, 2026

Photo: Senate Impeachment Court - Senate of the Philippines
Ibinasura ng Korte Suprema ang mga petisyon nina Atty. Vic Rodriguez, Berteni Cataluña Causing at Atty. Ernesto Francisco Jr. kontra sa bagong ‘voting threshold’ ng Senate Impeachment Court.
Kapwa nila kinuwestyon ang naging interpretasyon ng Senado sa kinakailangang ‘two-thirds vote’ para magkaroon ng ‘conviction’ sa isang ‘impeachment case’.
Matatandaang noong Setyembre 23, napagkasunduan ng Senado na tanging mga ‘legally’ at ‘actually able to participate’ sa mga pagdinig ang nararapat na makaboto.
Ngunit ayon sa Korte Suprema, walang sapat na ‘standing’ at ‘prematurity’ ang mga petisyong inihain sa hukuman.





Comments