Motorista, bantay-sarado... Balik-NCAP, simula OCT. 5

by Mervin Reyes @News | October 1, 2026

Photo: NCAP File
Muling ipatutupad ang No-Contact Apprehension Policy (NCAP) sa mga kalsadang sakop ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) simula Lunes, Oktubre 5.
Ilang local government units (LGUs) sa Metro Manila ang nag-anunsyo ng muling pagpapatupad ng NCAP, kung saan 24 oras na imo-monitor ang mga paglabag sa batas-trapiko.
Noong Mayo 2025, bahagyang ipinatupad muli ang NCAP sa Metro Manila matapos alisin ang temporary restraining order ng Supreme Court.
Karaniwang sakop ng NCAP ang mga pangunahing radial at circumferential roads gaya ng Commonwealth Avenue, Marcos Highway, C-5 at EDSA. Gayunman, hindi pa malinaw kung aling mga kalsada ang kasama sa pinalawak na pagpapatupad simula Oktubre 5.
Ayon sa anunsyo, magiging standardized ang mga multa sa lahat ng LGU na sakop ng NCAP alinsunod sa Metro Manila Traffic Code of 2023.
Maaari ring tingnan, bayaran at iapela ng mga motorista ang kanilang mga traffic violation sa online portal ng kani-kanilang LGU.





Comments