Kuwestiyunableng pagdami ng foreign retirees sa bansa, ‘wag ipagsawalambahala
ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | October 25, 2020
Hinimok natin nitong nakaraang linggo ang Philippine Retirement Agency (PRA), isang ahensiya na naatasang i-promote ang bansa bilang retirement haven, na suriing mabuti ang kasalukuyang nitong polisiya upang maiwasan ang pagsasamantala sa ini-issue nitong special resident retiree visas (SRRV).
Lumabas sa pagdinig ng panukalang 2021 budget ng Department of Tourism (DOT), kung saan isang attached na agency ang naturang government-owned and controlled corporation (GOCC), na puwede nang makakuha ng SSRV ang mga banyagang 35-years old pataas.
Ayon sa datos, sa kasalukuyang 70,500 foreign retirees sa ating bansa ay mayroong 27,678 Chinese “retirees” sa bansa, o 40% ng kabuuang foreign retirees sa bansa. Sinusundan ito ng 14, 144 Koreans, at 6,120 Indians.
☻☻☻
Oras na i-review ang policy na 35 years old ka lang ay puwede na mag-retire sa Pilipinas dahil ang kailangan lang ng magre-retire ay either mag-deposit siya ng US$50,000 sa bangko or bumili ng condo unit worth P2.5 million.
Nakaaalarma ito dahil parang relaxed ang ating polisiya at ang implikasyon nito sa ating national security policy, dahil ang edad 35 years old ay maiko-consider na edad ng sundalo.
Dapat dagdagan din ng PRA ang security measures at higpitan ang vetting process ng mga tatanggapin natin, regardless of nationality.
Maaari rin kasing samantalahin ang kasalukuyang polisiya upang makapagtrabago ang retiree na hindi dumadaan sa regular at normal na proseso.
Alam naman nating at 35 years old ay generally ay malakas pa ang katawan ng retiree. Isang issue ito lalung-lalo ngayon na mayroon tayong problema tungkol sa job displacement ng ating mga kababayan.
Maaaring nagtatrabaho sila sa mga POGO o kaya naman ay nasa Divisoria, dahil ang probability na sila ay nagtatrabaho ay napakataas.
☻☻☻
Isang magandang indikasyon ang nakita natin sa ating pagpansin sa patakarang iyon, dahil ayon sa ahensiya ay titingnan nilang muli ang polisiya.
Nangako rin ang DOT na magpupulong ang board of trustees ng PRA upang muling i-assess ang patakaran. Ang DOT Secretary ay ang chairman ng PRA board.
Inaasahan natin ang agarang aksiyon mula sa mga ahensiya ng pamahalaang ito.
☻☻☻
Paalala lamang sa lahat na manatili sa loob ng bahay, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang pahalaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.
Malalagpasan din natin ito.
Be Safe. Be Well. Be Nice! ☻
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay





Comments