top of page
Search

Kuwarto, idinispley sa fans… IVANA, UMAMING HUBAD KAPAG NATUTULOG

BULGAR

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | March 28, 2024



 

Sa latest vlog ni Ivana Alawi ay nagpa-tour siya sa kanyang bedroom and walk-in closet at siyempre, along the way ay may mga tsika ang aktres-vlogger na kinaaliwan ng kanyang milyun-milyong subscribers.


Isa sa kanyang mga isiniwalat ay hindi pa raw siya nagdadala ng lalaki sa kanyang kuwarto.


“Welcome to my bedroom! This is where all the magic happens,” sey ni Ivana na tila may insinwasyon.


“Yuck!” natatawa niyang dagdag, “just sleeping. Hoy, hindi pa naman ako nagdadala ng lalaki rito.”


Voice-over ng kapatid niyang si Mona Alawi na siyang nagbi-video, “Hindi pa naman?”


Sey naman ni Ivana, “Hindi mo sure,” sabay-tawa.


Ipinakita rin niya ang kanyang mga undies, brasieres at mga damit-pantulog. Pero rebelasyon niya, wala raw siyang damit ‘pag natutulog.


“Usually, guys, hindi ako nagdadamit talaga ‘pag natutulog mag-isa,” she said.


Pero kapag may kasama, siyempre ay nakadamit daw siya.


“Ang pangit namang maghubad ako, ‘di ba, tapos nandiyan. . . (may ibang tao),” aniya.


Sinabi rin ni Ivana na kasalukuyan siyang nagpapagawa ng kanyang dream home at sobrang excited na raw siya.


“I’m building my dream home, so sabay-sabay nating ginagawa and I’m excited to show you ‘pag natapos na siya,” sey niya.


0 comments

Kommentare


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page