Kuntento nang wala sa showbiz… ANGEL, LUMABAS NA, CHUBBY PA RIN
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | January 3, 2024

Maraming fans ni Angel Locsin ang natuwa nang magparamdam siya sa social media.
Nag-post si Angel ng larawan nila ng kanyang mister na si Neil Arce na kuha sa harapan ng kanilang bahay. Makikitang masaya at maaliwalas ang aura ni Angel. Kahit nag-semi-retire na siya sa showbiz ay kuntento siya sa kanyang buhay.
Tama ang sinabi ng BFF ni Angel na si Dimples Romana. Walang dapat na ipag-alala ang mga tagahanga ng aktres dahil masayang-masaya ito sa piling ni Neil Arce.
At mukhang hindi naman nami-miss ni Angel Locsin ang showbiz. Hindi naman siya agad-agad na makakabalik dahil kailangan muna niyang magbawas ng timbang. Hindi naman isang komedyana si Angel Locsin na tatanggapin kahit chubby. Serious dramatic actress siya kaya kailangang bumalik ang dati niyang pigura.





Comments