Kung walang bagong ebidensya... Impeachment kay VP Sara, tablado
- BULGAR

- 16 hours ago
- 1 min read
ni Mylene Alfonso @News | February 27, 2026

Photo File: Inday Sara Duterte / FB
May kalayaan ang National Unity Party (NUP) na magpasya kung susuportahan nito ang reklamong impeachment na inihain laban kay Bise Presidente Sara Duterte.
“Desisyon po nila 'yan, may kalayaan po silang mag-decide, hindi naman po sila sinasaklawan ng ating Pangulo at ng administrasyong ito,” pahayag ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro sa Palace briefing.
“Malamang 'yun po 'yung nakikita nilang magandang aksyon para sa kanilang political party,” dugtong ni Castro.
Sa naging pahayag, sinabi ng NUP na malabong bumoto sila pabor sa reklamong impeachment na inihain laban kay Duterte maliban na lamang kung may maihaharap na “malinaw at matibay na bagong ebidensya.”




Comments