Kung tinupad lang ang pramis na lahat mabibigyan ng ayuda, wa’ sanang gulo!
- BULGAR
- Apr 11, 2021
- 2 min read
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | April 11, 2021
P-DUTERTE, PA-MOTOR-MOTORSIKLO AT PA-JOGGING-JOGGING LANG SA MALACAÑANG—Viral sa social media ang video at larawan ni P-Duterte na lulan ng motorsiklo at nagdya-jogging pa sa compound ng Malacañang, na nagpapakita na “fit and healthy” ang pangulo, taliwas sa mga naglalabasang isyu sa social media na may sakit ito.
Hanep ang pangulo, ha? Ang dami na ngang problema ng bayan at mamamayan, tapos ayaw niya magpakita sa publiko, at ang ginagawa pala ay pa-motor-motorsiklo at pa-jogging-jogging lang sa Malacañang, tsk-tsk-tsk!
◘◘◘
MALAKAS NAMAN PALA ANG PANGULO, DAPAT HUMARAP NA SIYA SA PUBLIKO—Ngayong nakita ng publiko na “malakas pa sa kalabaw” ang pangulo at wala naman pala siyang sakit, dapat humarap na siya sa taumbayan at magbigay ng statement kung kailan talaga darating ang mga bakunang in-order, ano’ng aksiyong gagawin ng pamahalaan sa mga pasyenteng nagka-COVID-19 na hindi ma-admit dahil punuan na ang mga ospital, kung may dagdag pang ayuda kasi kapos ito at aksiyong gagawin ng gobyerno sa pag-angkin ng China sa Julian Felipe Reef.
‘Yan ang mandato ng pangulo, ang magpakita ng malasakit sa mamamayan sa gitna ng pandemya at magpakita ng tapang sa mga bansang umaagaw sa mga teritoryo ng Pilipinas, period!
◘◘◘
NAGKAKAGULO NA NAMAN SA BIGAYAN NG AYUDA—Nagkakagulo na naman sa bigayan ng ayuda kasi may mga nabibigyan at may hindi nabibigyan.
Kung tinupad lang sana ng Duterte gov’t. ang promise sa 1st season ng lockdown last year na ang lahat ng apektado ay bibigyan ng ayuda, at ipinagpatuloy ito sa 2nd season ng lockdown, hindi sana nagkakagulo, eh, ang problem, ‘yung mga nakatala lang sa 2015 census ang binigyan ng ayuda, kaya’t daming apektado ang zero sa ayuda ng pamahalaan, tsk-tsk-tsk!
◘◘◘
SOLUSYUNAN ANG PROBLEMA SA VENTILATOR PARA MAILIGTAS SA KAMATAYAN ANG MGA NAGKAKA-COVID—Shocking sa dami ang bilang na 401 Pinoy ang namatay sa COVID-19 sa loob lang ng isang araw, kamakalawa.
Ang dahilan kaya maraming namamayan ngayon sa COVID-19 ay dahil ayon sa mga doktor, kapos sa mechanical ventilator ang mga ospital.
Dapat solusyunan agad ng Duterte gov’t. ang problemang ‘yan ng mga ospital sa ventilator kasi kung hindi ay asahan nang araw-araw ay daan-daang Pinoy ang mamamatay sa virus, period!





Comments