top of page
Pokwang.jpg

Kung sino pa ang “awtoridad”, sila pa ang lumalabag sa protocol laban sa COVID!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 7, 2021
1 min read

Updated: Jan 8, 2021

ni Ka Ambo - @Bistado | January 7, 2021



Yumao na ang MMDA chairman na si Danny Lim.


Hindi isinapubliko ang dahilan ng pagkamatay.


Bakit?


◘◘◘


Kasama sa iniimbestigahan sa pagkamatay ng FA ang manager ng hotel kung saan siya natagpuang walang buhay.


Tsk-tsk-tsk!


◘◘◘


Itinigil na ang imbestigasyon sa PSG na nagpaturok ng smuggled na COVID vaccine.


Siyempre, national security concern ito!


◘◘◘


Makikita kung sino ang mga “awtoridad” sa publiko at pribadong sektor ay siya pa ang lumalabag sa protocol laban sa COVID.


Kung sumusunod sa protocol—hindi sana tatamaan ng COVID ang mismong mga awtoridad.


Sentido-kumon!


◘◘◘


Nakasanayan na ang mga awtoridad ay tipong exempted sa batas.


Puwede ‘yan sa batas ng “tao”, pero sa batas ng “kalikasan” tulad ng COVID—tiyak na hindi kayo “sasantuhin”.


Marami talaga ang mangmang at pasaway!


◘◘◘


Muling isinusulong ang pagbibigay ng prangkisa sa ABS-CBN.


Panibagong giyera-patani!


◘◘◘


Marami ang nagtatanong: Bakit kulelat si Sen. Manny Pacquiao sa resulta ng latest presidentisal survey?


Baka gusto nilang makatikim ng “left hook”!


◘◘◘


Mag-a-anibersaryo na ang pagputok ng Bulkang Taal.


Nakarekober ba ang mga biktima?


◘◘◘


Eleksiyon na sa susunod na taon.


Masasaksihan na nating kung paano “ismolin’ ang utos ni P-Digong ng sarili niyang mga amuyong!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page