top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Kung si Willie, sumuko at babu na… ALLTV, JACKPOT SA TVJ AT EAT BULAGA!

Writer: BULGAR
BULGAR
May 3, 2023
1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | May 3, 2023




Hanggang 2024 pa ang pinirmahang kontrata ng Eat... Bulaga! sa GMA-7. Kaya naman, siguradong mananatili pa rin ang noontime show sa Kapuso Network at hindi puwedeng basta na lang ilipat sa ibang network.


Malapit na ngang matapos ang taong 2023, pitong buwan na lang ang natitira, kaya for sure ay aabangan ng lahat kung ano ang mga posibleng mangyari sa programang EB! kung sakaling mag-expire na nga ang kontrata ng longest-running noontime show sa GMA-7.


May ilang showbiz observers ang nagsasabing kung gugustuhin nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon o ng TVJ na ilipat sa ibang network ang EB! ay kayang-kaya nilang gawin.


May karapatan ang tatlo sa nasabing longest-running noontime show dahil si Joey ang nakaisip sa pangalan ng Eat... Bulaga! habang si Vic naman ang sumulat sa theme song ng programa.


Mas maganda nga kung ang TVJ at si Mr. Tony Tuviera na ang tumayong producer ng EB! at kunin na lang din nila sina Jose Manalo, Allan K, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Ryan Agoncillo at Ryza Mae Dizon sa kanilang show at tiyak na tatakbo ito nang maayos.


May ilan pa ngang nagsa-suggest sa AllTV na ipasok na nila ang EB! sa kanilang network dahil malakas ang frequency nito at magiging mas malawak pa ang viewership nila.


Tutal naman daw, nagpaalam na si Willie Revillame sa AMBS kaya magiging asset nila ang TVJ at ang Eat… Bulaga! sakaling makuha nila ito.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page