top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Kung si Vice 9 na maleta ang dala… KIM, PATI PANG-EXERCISE, GAMIT SA KUSINA, ETC., BITBIT SA TAPING

  • BULGAR
  • Sep 1, 2021
  • 2 min read

ni Julie Bonifacio - @Winner | September 1, 2021



Ipinasilip ni Kim Chiu ang tinutuluyan niyang hotel room para sa live shows ng It's Showtime sa Clark Freeport Zone sa Pampanga on her recent YouTube vlog titled Morning Routine + Room Tour in Showtime Bubble.

Mula pagkagising ni Kim sa kanyang color pink na bed sheet and pillow, pagpunta sa gym, pagkain ng breakfast, pagkatapos ng live appearance niya sa It's Showtine at pag-isa-isa niya ng mga gamit na dala niya ay mapapanood sa kanyang vlog.


Inamin ni Kim na hindi siya morning person dati. Hindi raw siya gumigising nang maaga. Naimpluwensiyahan daw siya ng kanyang boyfriend na si Xian Lim sa paggising nang maaga.

At 8 AM, diretso na si Kim para mag-gym and after 30 minutes, nag-breakfast na siya kasama ang iba pang It's Showtime hosts.


Thirty minutes before the show ay tumakbo na si Kim sa isinet-up na studio ng It's Showtime sa hotel kung saan sila naka-bubble.


Pagkatapos ng live show, bumalik na si Kim sa kanyang room at doon ipinakita ang mga baon na damit at pagkain.


Kung si Vice Ganda ay 9 na maleta ang dala, 'di rin nagpahuli si Kim. Punumpuno ang cabinet niya ng mga damit hindi lang para sa show kundi pati na sa kanyang pagdyi-gym at pamamasyal within the vicinity ng hotel.


May dala rin si Kim na isang malaking plastic container kung saan nandoon ang mga baon niyang pagkain. Nakalimutan ni Kim na magdala ng microwave oven. Pero may nadala naman siyang sandwich maker at food warmer. Mas gusto raw kasi niya na mainit ang kanyang pagkain.


Nakaayos din sa sahig sa ilalim ng lamesa ang mga branded na sapatos at tsinelas ni Kim.

Bitbit din ni Kim ang kanyang favorite owl pillow para kahit daw malayo siya, feeling she's still close to home. Nasa kuwarto rin ni Kim ang kanyang bike trainer and yoga mat.


Nag-set-up din si Kim ng maliit na altar, may cross, rosary at piktyur ni Saint Padre Pio sa lamesang mahaba sa kanyang room.


Sa napanood namin na vlog ni Kim, wala kaming masilip na bothered siya dahil sa bali-balita na aalisin siya sa It's Showtime. Maging sa live episode ng It's Showtime nu'ng Martes, hyper pa rin si Kim at marami pa rin siyang exposures sa show, hah?


'Yun na.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page