Kung si Sharon, may P5.2 B assets… BEA, PASOK SA TOP 5 RICHEST PINOY CELEBS, MAY P1 B YAMAN!
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | October 7, 2022

Base sa latest report na lumabas tungkol sa Top 30 na pinakamayayamang celebrities ngayon, nasa Top 5 ang Kapuso actress na si Bea Alonzo na ang worth ng assets ay P1 billion!
Certified billionaire si Bea at mas mayaman pa siya kina Heart Evangelista na ang asset ay P396 M, samantalang si Gretchen Barretto naman ay P320 M.
Financially secured na si Bea Alonzo dahil isa na siyang billionaire. Ang kanyang kinikita ay sa real estate niya ini-invest. May malawak siyang farm sa Zambales, may mga mansion, resort at negosyo.
At ang latest property na nabili niya ay isang high-end apartment sa Spain!
Patuloy ang paglaki ng income ni Bea dahil marami siyang malalaking endorsements at hindi bumababa ang kanyang premium bilang celebrity endorser.
Magaling humawak ng kanyang finances si Bea na natutunan niya sa kanyang ina. Hindi siya mahilig mag-post sa social media ng kanyang collection ng mga branded bags, shoes at mamahaling jewelries. Pero, nasa bracket siya ng mga celebrities na billionaire.
Pareho sila ni Kris Aquino na P1 billion ang asset.
Samantala, si Megastar Sharon Cuneta ay may P5.2 billion worth of assets.





Comments