top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Kung si Sharon, ‘di pinapasok… JESSY, NAG-SHOPPING, IPINAGSIGAWANG SUPER-BAIT NG HERMES SA KANYA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 16, 2022
  • 1 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | October 16, 2022



“Babymoon” ang tawag ni Jessy Mendiola sa naging bakasyon nila ni Luis Manzano sa Singapore.


Recently lang daw niya natutunan ang word na ito na ang ibig sabihin ay “a relaxing or romantic vacation taken by parents-to-be before the baby is born.”


Paliwanag pa ni Jessy sa kanyang bagong vlog, “Parang honeymoon siya pero sa baby.


Kumbaga, parang last trip bago manganak.”


Sa bagong vlog ni Jessy ay mapapanood ang unboxing niya ng kanyang pinamili na paliwanag niya ay pinag-ipunan naman daw niya.


“Kasi, after ng COVID episode, sabi ko sa sarili ko, ‘pag pumunta kami ng Singapore, talagang gusto kong mag-enjoy,” aniya.


May mga biniling Hermes and Chanel items si Jessy at kuwento niya, first time niyang mag-visit sa Hermes international store. Before raw kasi ay nai-intimidate siya kaya hindi siya nagta-try pumasok sa nasabing high-end store. Bukod dito ay lagi raw siyang may naririnig na horror stories.


“I got so lucky kasi, sobrang bait din nila sa akin,” tsika ni Jessy.


Dagdag pa niya, “Wala akong bad experience noong nasa Singapore ako.”


Well, recently nga ay isa si Sharon sa mga nadagdag sa listahan ng may horror stories sa Hermes dahil hindi nga siya pinapasok sa branch sa South Korea.


Anyway, mukhang malaki-laki rin ang nagastos ni Jessy sa pagsa-shopping pero aniya ay hindi naman siya masyadong nagi-guilty dahil pinag-ipunan niya ito at investment din naman ang mga items na nabili niya.


Of course, may mga nabili rin siya para sa kanilang Baby Peanut at isa na rito ay Hermes blanket.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page