Kung si Sen. Chiz, kalat na may nabuntis… GUWAPONG ITALIAN GUY, BAGO RAW NI HEART
ni Janiz Navida @Showbiz Special | September 14, 2022

Nakakalokah!!!
Parang ginawa nang teleserye ng mga kababayan natin ang love story nina Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero dahil araw-araw, may bagong kuwentong lumalabas tungkol sa usap-usapang hiwalayan nila.
At dahil nga patuloy na nananahimik ang mag-asawa at tikom ang bibig sa isyu, enjoy naman ang mga nagkakalat ng kuwento kung bakit nga ba may 'pinagdaraanan' ngayon si Heart at nagsarili na ng condo na tinitirhan.
Kung matatandaan, ang unang kumalat at pinagpiyestahan ng mga Marites at Mosang ay ang kuwentong may nabuntis diumano si Sen. Chiz na ibang babae.
Nasundan ito ng bulung-bulungan na sekretarya raw ni Sen. Chiz ang girl na diumano'y nadisgrasya nito, hanggang may nagbulong din sa aming kasambahay daw ng senador at hindi secretary.
Pero dahil walang mga lumalabas na ebidensiya tungkol sa diumano'y nabuntis nga ni Sen. Chiz, si Heart naman ang ginagawan ng kuwento ngayon ng mga Marites.
Sa isang radio show sa DZRH, nabanggit naman umano ng radio anchor na si Deo Macalma ang pangalan ni Heart at may iniuugnay ditong isang guwapong Italyano na mas pogi pa raw kay Piolo Pascual.
Sabi pa raw ni Mr. Macalma, "Naku, ayaw ni Senator Chiz Escudero ng ganyan."
Dagdag-chika pa raw ng radio anchor, "May Marites tayong bubwit. Ewan ko ba kung apple of the eye ni Heart o siya ang apple of the eye ng foreigner na 'yan?
“Marites 'yan (isyu) pero 'yung Italyano, guwapo raw!”
Luh! Again, ayaw naming bilhin ang kuwentong ito dahil kung ang mga latest vlogs ni Heart ang pagbabasehan, mukhang siya ang 'hurt na hurt' sa sitwasyon nila ni Sen. Chiz.
So, kung sa part niya may third party, 'di ba't dapat ay blooming si Heart at hindi mukhang problemado at malungkot ang mga mata?
Haaaaay, ang dami talagang alam ng mga Marites na mukhang nag-masteral pa sa scriptwriting para makagawa lang ng mga kuwento na 'pag ikinalat na ay mukhang totoong-totoo na.





Comments