top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Kung si P-Digong, todo-banta sa mga name dropper, Gen. Sinas at Gen. Danao, nganga lang!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 27, 2021
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | January 27, 2021



MAHINA YATA ANG INTELLIGENCE NETWORK NG MGA INTEL OPERATIVES NG NCRPO—Isa sa mga hinahangaang heneral ng PNP ay si Gen. Danao dahil kilala itong mabagsik laban sa mga tiwaling pulis at sanggano, pero ang nakapagtataka, hanggang ngayon ay wala siyang aksiyon sa mga “tongpats collector” na sina “Madam Reyna”, “Cesar Pilosopo” at “Adjuan Parak”.


Kung hindi alam ni Gen. Danao na may gumagamit sa kawalanghiyaan sa kanyang pangalan, isa lang ang ibig sabihin niyan, mahina ang intelligence network ng mga intel operatives ng NCRPO, period!


◘◘◘


SINO ANG UNANG MASASAMPOLAN SA UTOS NI P-DUTERTE NA SAKSAKIN ANG MGA NAME-DROPPER?—May nakarating na impormasyon kay P-Duterte na may mga taong gumagamit sa kanyang pangalan para makakuha ng kontrata sa gobyerno.


Sa tindi ng galit ng Pangulo, nag-utos siya na saksakin daw ang mga name-dropper.


Nakupo, sinong name-dropper kaya ang unang masasampolan? Abangan!


◘◘◘


P-DUTERTE, MAY AKSIYON NA PERO SINA GEN. SINAS AT GEN. DANAO, NGANGA—Hindi lang pangalan ni P-Duterte ang nagagamit sa raket, kundi pati ang pangalan nina PNP Chief Gen. Debold Sinas at NCRPO Director, Gen. Vicente Danao.


May impormasyon na linggo-linggo raw ginagamit ng mga “tongpats” collector na sina alyas Madam Reyna, Cesar Pilosopo at Adjuan Parak ang pangalan nina Gen. Sinas at Gen. Danao para mangolekta ng “payola” sa mga gambling lords sa Metro Manila.


Ang kaibahan lang sa isyung ito, si P-Duterte ay may banta na sa mga name-dropper pero sina Gen. Sinas at Gen. Danao, wala pang aksiyon laban sa mga “tongpats” collector, boom!


◘◘◘


KUNG WALANG AKSIYON SI GEN. ELY CRUZ, MAYORS NA NG CAMANAVA ANG DAPAT UMAKSIYON—Kung walang gagawing aksiyon si NPD (Northern Police District) Director, Gen. Ely Cruz laban sa raket na bookies ng karera at lotteng nina “Jr.” at “Edmon” sa Caloocan City at lotteng nina “Mario” at “Atan” sa Malabon City, “Jun” at “Santa” sa Valenzuela City at “Leody” sa Navotas City, ang dapat nang umaksiyon dito ay sina Caloocal City Mayor Oscar “Oca” Malapitan, Malabon Mayor Len Oreta, Navotas Mayor Toby Tiangco at Valenzuela Mayor Rex Gatchalian.


Dapat matigil na ang mga raket na ‘yan kasi nakababahala na baka tumaas ang bilang ng mga magka-virus sa CAMANAVA area dahil hindi maiiwasan na magkaroon ng close contact ang kubrador at mananaya sa mga illegal gambling na ito, boom!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page