top of page

Kung si Nora raw, umubra… DIREK, IBINULGAR KUNG BAKIT 'DI NATULOY ANG MOVIE NI VILMA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 8, 2021
  • 3 min read

ni Julie Bonifacio - @Winner | August 08, 2021



ree

Type ng international award-winning director na si Brillante "Dante" Mendoza na maidirek sa pelikula si Nadine Lustre. In fact, may naisip na si Direk Brillante na tema ng pelikulang gusto niyang gawin ni Nadine.


"Meron akong parang horror na naiisip, eh, 'yung mai-in love sa kanya 'yung demonyo," lahad ni Direk B nu'ng makausap namin sa bonggacious na "secret garden" sa kanyang bahay sa Mandaluyong last Wednesday.


Sa hanay naman ng mga young actors, nagagalingan si Direk B kay Joshua Garcia. Maganda rin kung magkasama sa isang project si Joshua at ang bida ng FPJ's Ang Probinsyano na si Coco Martin.


Knows naman ng marami na si Direk B ang nag-handle kay Coco noong baguhang artista pa lamang ang Kapamilya actor. At ngayon, isa si Coco sa mga pinakamahuhusay at aktibong aktor sa industriya.


Bukod sa kanyang Ang Probinsyano, nagawa pang isingit ni Coco ang shooting ng bago nilang movie ni Julia Montes, ang POLA (Red Earth).


"Ang bago kay Coco rito (Pola), hindi siya Cardo Dalisay," sey ni Direk B. "That's number one. Sobrang anti-hero. Pati si Julia, sobrang anti-hero. So, both of them. Pati si Raymart Santiago."


First time raw niyang maidirek si Raymart sa pelikula at okey naman ito sa set.


Si Julia naman daw, naiiba ang karakter sa pelikula.


"Hindi ko tina-typecast na bida-kontrabida si Julia sa movie. Parang hinumanize ko siya. Parang mas na-humanize ang pagiging aktor niya, pagiging aktres kasi vulnerable siya sa mga bagay. So, mga babaeng nagkakasala."


Si Coco naman daw ay mas humusay pa bilang aktor.


"Oo, siguro, dala ng maturity, dala ng age," sabay tawa ni Direk.


Malamang daw ay sa ibang bansa unang ipalabas ang Pola tulad ng mga nakaraang films niya.


"Lahat ng mga films ko, for foreign consumption. Ang films ko kasi, whether ipalabas dito o ipalabas sa ibang bansa, hindi nagma-matter in terms of box office. Parang balewala naman, 'di ba? Parang dumaan lang, 'di ba?


"So, okey lang. At least abroad, kapag dinala mo doon, commercially naipapalabas sila. Hindi lang sila sa distribution sa festival."


Naalala tuloy ni Direk B ang movie niyang Lola na nu'ng inaalok daw niya sa ibang producers, walang gustong magprodyus.


"Totoo 'yan. Wala akong makuhang producer dito sa atin. Ang sabi sa akin, 'Direk, bakit dalawang matanda ang bida mo? Hindi ba puwedeng gawing Vilma (Santos)-Nora (Aunor) 'yan?' Sabi ko, 'Hindi pa sila lola. Mga mother pa lang sila!' At ayaw ni Ate Vi maging lola (sa pelikula)."


Speaking of Ate Vi, hanggang ngayon ay wala pa ring natutuloy na proyekto si Direk B with the Star for All Seasons. May tsika na lagi raw tumatanggi si Ate Vi sa offer niya na pinabulaanan ni Direk B.


"Hindi naman siya tumatanggi. In fact, may isa na muntik-muntikan na talaga kaming nagka-ano (nag-work). Hindi ko alam kung Taklub ba 'yan o Mindanao. Meron akong ano sa kanya na parang pumayag na ako na every other day ang shoot. Kasi sabi niya, every other day daw. So, pumayag na ako. Tapos, hindi raw puwede ng weekend. Sabi ko, 'Sige, payag na ako.'


"Hanggang sa 'yung weekend daw, hindi na siya puwede ng Friday. So, dalawang araw na lang. Sabi ko, 'Ate Vi, nawawala ang artista sa ano, momentum.' Unlike halimbawa si Judy Ann (Santos), sabi ko sa kanya, 'Judy Ann, huwag kang tatanggap ng kahit na ano'ng project for 15 days, ha? Ibigay mo sa akin ang 15 days mo.' Pumayag siya."


Mas magiging busy pa si Ate Vi sa mga susunod na buwan dahil sa kampanya sa nababalitang pagtakbo niyang senador sa 2022 elections.


"'Yan na nga ang sabi ko sa kanya, 'Paano pa tayo gagawa niyan? Lalo tayong mawawalan ng schedule. Eh, ayoko naman ng ano, usually naman, ang hinihingi ko lang, bigyan mo ako ng 12 days, 10 days. Kay Ate Guy (Superstar Nora Aunor), ganu'n ang ginagawa niya. Wala siyang ibang tinatanggap."


Bukod kay Ate Vi, hindi pa rin nagagawan ng pelikula ni Direk B sina Megastar Sharon Cuneta at Diamond Star Maricel Soriano.


"Pero especially ngayon, medyo nagma-mature na sila, eh, 'di ba, 'yung mga ano ko, 'yung mga gusto kong artista, 'yung medyo mature," say pa ni Direk. B.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page