Kung si Mark, takot… DANICA, MAS ENJOY MAKIPAG-SEX ‘PAG BUNTIS
- BULGAR
- Aug 15
- 4 min read
ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | August 15, 2025
Photo: Danica Sotto at Marc Pingris - IG
Masaya ang kuwentuhan sa online show sa YouTube (YT) channel ng aktres na si Dina Bonnevie, na may title na House of D (HOD) kasama sina Oyo Sotto, Danica Sotto Pingris, Kristine Hermosa Sotto, at Marc Pingris.
Natanong ng mother dearest nina Danica at Oyo, “Nakakawala ba ng spark kung buntis ‘yung asawa o ‘pag nanganak na?”
Halos magkakapareho ang naging sagot nina Danica, Kristine, Oyo at Mark na,
“Ang saya nga, eh.”
Sinundan ulit ng tanong ng magandang aktres na si Dina ng “Bakit ang saya tuwing buntis? Ano’ng nagaganap?”
Sumagot si Danica ng “‘Yung hormones mo, sobrang ano, taas, you’re in the mood.”
Nakakatuwa ang naging tanong ng loving husband ni Danica sa kanyang mother-in-law at halatang panatag at komportable na si Mark kay Dina.
Inosenteng tanong ni Mark kay Dina, “Bakit ikaw, Ma (Dina), hindi ka ganu’n ‘pag buntis ka?”
Nagtawanan sina Danica, Oyo at Kristine sa tanong ni Mark.
Sumagot si Dina na ngiting-ngiti, “Pinag-uusapan natin kayo, wala akong partner. My God, I’m a human being. Of course, I have desires. Hahaha! Gusto ko rin naman. Why not coconut, ‘di ba?”
Hindi na rin mapigilan ni Oyo na magkomento ng “Nahahalata si Mama (Dina), ‘noh? Kasi s’ya ‘yung bato nang bato.”
Sagot naman ni Danica, “Oo nga, Ma (Dina). Parang kilig na kilig ka sa pagtatanong mo sa amin.”
Sinagot naman ni Dina nang naka-all-smile ng “Hello, we are all experienced people here. At kami po ay mga experienced and we just wanna share our experience. Hindi ibig sabihin na lahat ng opinion namin ay tama.”
Hindi pa rin nagpigil ang magandang aktres at nagtanong pa rin siya kina Danica at Mark ng “Magbalik tayo, ‘pag buntis ka, raging hormones ka? In the mood ka (referring to Danica)? Ikaw naman (Mark), prepared ka na kung buntis ito?”
Sagot ni Mark, “Takot ako, eh. Kasi baka mapisat, ganu’n.”
Dagdag na tanong ni Ms. D, “Marami namang ibang paraan.”
Sagot ulit ni Mark, “Basta ako lang, alam ko na takot ako ngayon.”
Sabi pa ni Ms. D, “Ang importante, communication. So ‘yung communication, puwedeng verbal, puwedeng communication na physical na touch or hug. Ganyan, ang importante ‘yung sex, not literally na kailangan magtalik kayo araw-araw, pero ‘yung little kisses, halik sa batok, yakap sa likod. ‘Di ba? that’s part of sex, it’s still part of communication.”
Bongga ka d’yan, Ms. D. Ang daming natutunan ng mga mag-asawa sa masayang kuwentuhan ninyo ng beautiful family mo.
May mga netizens din na nagre-request kung puwedeng mag-guest si Bossing Vic Sotto sa HOD.
Sa edad na 51, tinupad ni Marjorie Barretto ang matagal na niyang pangarap, ang magsuot ng toga at makatapos ng kolehiyo, matapos niyang makuha ang Bachelor of Arts Major in Communication Arts sa Philippine Women’s University (PWU).
Saad niya, “At 51 years old, I finally wore this cap and gown.
“For years, finishing college was a dream tucked away, paused for show business, raising children, public service, business, and building a life. But God never forgot. In His perfect time, He gave me the courage to return, the strength to push through, and the joy of crossing this finish line.
“The sweetest part? My children were there to witness it – taking my photos and videos, handing me flowers and gifts. A moment so surreal, a full circle moment.
“I want to thank Philippine Women’s University @mypwu_official for opening your doors and making this chapter possible. I also want to thank my dear friend @iloveruffag (Ruffa Gutierrez) for starting this journey for so many of us – she graduated first, lovingly encouraged me to go back to college, and always reminded me that I could do it.
“To my loved ones who inspired me, pushed me, and talked me out of my panic and anxieties, from the bottom of my heart, thank you.
“And to those my age who still carry dreams in their hearts: it’s never too late, and you are never too old, to realize the dreams God placed in you.”
Sa comment section ng post ng celebrity mom ay binati siya ng kanyang mga kaibigan tulad nina Mariel Rodriguez, Arlene Muhlach, Amy Perez, Coney Reyes at Ruffa Gutierrez.
Sabi nga ni Ruffa sa comment niya ay “I’m in tears. Love you and so proud of you!! Congratulations @marjbarretto YOU DID IT!! Let's celebrate later!!”
Sabi naman ng mother dearest ng magaling na mayor ng Pasig na si Coney ay, “My Dear Marj! I’m so happy for you! Congratulations! Your perseverance and determination are admirable! God bless you! Greater things up ahead.”
Hindi rin nakalimutang batiin ng mga anak niya si Marjorie.
Mensahe ni Dani Barretto, “So proud of you, mom! Now it’s my turn to finish school and make you proud.”
Sabi naman ng aktres na si Julia Barretto ay “So proud of you, mom.”
Congratulations, Marjorie. Napatunayan na naman natin na ang edukasyon ay walang pinipiling edad.
Sabi nga ni Nelson Mandela, “Education is the most powerful weapon which you can use to change the world.”
Mga bagets, aral-aral din kapag may time. Pak, ganern!
PATULOY na tumatanggap ng pagkilala internationally ang ABS-CBN matapos makakuha ng nominasyon ang drama series nitong Saving Grace (SG) para sa Best Asian Contents sa paparating na Global OTT Awards.
Pinagbibidahan nina Julia Montes, Sharon Cuneta, at child star na si Zia Grace, nag-number 1 ang SG sa Prime Video Philippines kung saan sinundan ng mga manonood ang nakakaantig-pusong kuwento nito.
Halaw sa Japanese drama na Mother, ito ang kauna-unahang Filipino adaptation ng ABS-CBN ng isang serye mula sa Nippon TV.
Ang Global OTT Awards ay kumikilala sa mga huwaran sa TV at digital content sa buong mundo. Ihahayag ang mga magwawagi sa darating na Agosto 24.
‘Yun lang and I thank you.
Comments