top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Kung si Maine, hapi na kay Arjo… MGA AKTRES SA GMA-7, TAKOT MAGING BF SI ALDEN

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 9, 2022
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | November 9, 2022



Finally, nagsalita na rin ang Pambansang Bae kung bakit wala pa rin siyang jowa ganu'ng ang kanyang ka-love team na si Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub ay lantaran nang umamin na BF niya ang actor-politician na si Cong. Arjo Atayde.


Ilang taon nang buwag ang AlDub love team. Kaya, binigyan na ni Maine ang sarili ng kalayaan sa tandem nila ni Alden.


Matatandaan na nag-post pa si Maine ng kanyang open letter para sa mga diehard at fanatic AlDub fans na ayaw tanggapin ang pagkabuwag ng AlDub love team. Hanggang ngayon, ayaw pang sumuko ng mga diehard fans nina Alden at Maine. Umaasa pa rin sila na may balikang magaganap sa AlDub at sila ang magkakatuluyan.


Ganunpaman, hindi itinago sa publiko ni Maine Mendoza ang relasyon nila ni Cong. Arjo Atayde. Maging sa social media ay naka-post ang larawan nila ni Cong. Arjo na kuha sa bakasyon nila sa Paris, France. Ayaw dayain ni Maine ang kanyang mga fans and supporters.


Well, kung si Maine ay nakahanap na ng kanyang “the one” at Mr. Right, si Alden Richards ay nananatiling single at wala pang inaamin na kapalit ni Yaya Dub.


May mga female Kapuso stars na inili-link kay Alden pero hindi niya lantarang maamin dahil inaalala rin niya ang mga AlDub fans na magpoprotesta.


Natatakot ang mga babaeng nali-link kay Alden Richards sa AlDub fans na posibleng tututol at hahadlang sa sinumang mauugnay sa Pambansang Bae. Hindi matatanggap ng AlDub fans na may kapalit na si Maine sa puso ni Alden Richards.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page