Kung si Liza, wala raw utang na loob… ANGELICA, TODO-PASALAMAT SA 30 YRS. SA ABS-CBN
- BULGAR
- May 2, 2023
- 1 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | May 2, 2023

Ipinasyal ni Angelica Panganiban sa unang pagkakataon ang kanyang anak na si Amila Sabine sa loob ng ABS-CBN.
Kasama rin ni Angelica sa pag-tour sa loob ng Kapamilya Network ang ama ng kanyang anak na si Gregg Homan.
Hindi napigilan ni Angelica na maging emosyonal sa kanyang pagbabalik sa ABS-CBN na itinuring niyang kanyang tahanan.
Ipinost ni Angelica ang pamamasyal nila ng kanyang pamilya sa nasabing network sa kanyang Instagram kahapon.
Caption ni Angelica: "Last week, I gave my family a tour. Inikot ko sila sa aking tahanan for 30 years. Nakabisita rin kami kina Tita Cory at Ninong @direklauren, naging emotional ako nang konti."
Inamin ni Angelica na na-miss niya ang kanyang naging "tahanan" sa loob ng 30 years.
"Na-miss ko ang tahanan ko. Na-miss ko ang mga kapamilya ko. Pero, malaking pasasalamat at hinahayaan muna nila akong mag-enjoy sa pagiging nanay ko ngayon," lahad ni Angelica.
May isang netizen ang nag-iwan ng comment at ikinumpara si Angelica kay Liza Soberano.
"Ito sana ang artistang dapat tularan ni Liza Soberano na puro gratefulness ang nasa puso," say ng isang IG follower ni Angelica.
Reply naman ng isa pang netizen sa naunang komento ng IG follower ni Angelica, "Malay mo, sumikat si Liza sa Hollywood."
Truth naman. No one can predict kung ano ang magiging kapalaran ng isang tao, lalo na kung puno ito ng dedication at hard work upang matupad ang kanyang pangarap.





Comments