Kung si Liza, gustung-gusto... INIGO, 'DI FEEL SUMIKAT SA HOLLYWOOD
- BULGAR
- Sep 10, 2022
- 3 min read
ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | September 10, 2022

Kung ang ilang Pinoy celebrities tulad ni Liza Soberano ay pangarap ma-penetrate ang Hollywood, not for singer Iñigo Pascual na sabi'y 'di niya sineseryoso ang pag-o-audition sa USA.
Nasa Amerika si Iñigo para lamang abutin ang tagumpay ng pagiging singer.
Sa isang virtual sit-down interview ng ABS-CBN News kay Iñigo Pascual, nasabi ng aktor-singer na he's not looking or pursuing an acting career in the US at the time.
Kaya nang sabihan siya ng kanyang agent sa US na may audition o casting call for Monarch, isang series sa US, he was hesitant to audition for the project.
At sabi pa ng younger Pascual, kuntento na siya sa kanyang career sa Manila, dahil isa siya sa pambatong singers ng ASAP Natin 'To. Marami ngang netizens ang nagsasabi na tume-trending ang ASAP Natin 'To 'pag inanunsiyong kakanta si Iñigo sa Sunday noontime show.
Pero ang kanyang manager at US agent ang nag-convince sa kanya to try out for the role, ito nga 'yung Monarch.
Sinabi pa ng kampo ni Iñigo na pang-apat na casting call na pala ang Monarch at dito siya nakumbinse ng kanyang agent na mag-try.
Ayon pa sa kanyang US team, three times nag-decline si Iñigo for other US projects dahil wala raw itong bilib sa sarili na matatanggap sa cast.
Ani Iñigo, "I was two weeks late for the submission, because I wasn't really considering doing it.
In my mind, marami namang young actors sa States, mas madali silang makukuha roon, may mas magagaling doon," pahayag ni Iñigo sa ABS-CBN News.
Dagdag pa ng singer-actor, "Sabi ko, okay na ako sa career ko rito sa Pilipinas. Hindi naman ako makukuha ru'n. Ano pa'ng point? Until kinausap ako ng mga managers ko (at) sabi nila sa akin, 'May career ka nga rito, pero paano 'pag nakuha mo 'yun? 'Pag hindi mo nakuha, there's no harm in trying. May career ka pa rin dito sa Philippines na puwede mong balikan,'" pag-alaala ni Iñigo sa pangungumbinse sa kanya ng kanyang manager.
Sa loob ng isang linggo lamang after he submitted his audition in July, 2021, Iñigo got a call na siya ang napili para sa role of Ace Grayson. By September, he was in the US to start filming Monarch kasama ang Oscar-winning actress na si Susan Sarandon, portraying Ace's adoptive grandmother.
Ani Iñigo, "From the day that I decided to do it, never kong in-expect na makukuha ko siya (role).
Siguro, iyon 'yung isa sa mga naging keys kung bakit kalmado ako noong audition, noong callback, kasi hindi ko iniisip na, 'Kailangan ko na makuha 'to.' Ginawa ko siya na, 'Okay, gagawin ko.' Ayun, bigla kong nakuha 'yung role. Hindi pa rin nagsi-sink in sa akin na tapos na 'yung season one.
Ang Monarch is a family drama series. As Ace, Iñigo is a third generation Roman, an adopted son of Anna Friel's Nicky, who aspires to become a successful singer like his grandparents and mother.
Relate raw si Iñigo sa role na Ace.
"In the Philippines, it's such a small country where if you make a mistake, if you do something wrong, it can be magnified. It's the same thing with Ace, we're always in the public eye. Ako, people think I'm over-privileged because my dad is Piolo. It's very parallel to my life.
"Pinaka-naka-relate ako kay Ace kasi iniisip ng tao, dahil anak ako ni Piolo, ito ako, 'yung meron ako. I experienced a very, very normal childhood where I was raised normally and not differently just because of my name," sabi ng batang Pascual.
Sa higit isang dekada ng pamamalagi sa showbiz, aniya'y 'di rin siya exempted sa mga kontrobersiya na naglalayong saktan siya.
"Nakasanayan ko na rin, eh. 'Pag naging artista ka sa Philippines, you're going to develop this natural immunity sa mga Marites, mga negative news about you. You're going to have to start to have thicker skin and it will take a lot to hurt you, to really get to you.
"Para sa akin, parte 'yun ng trabaho, parte 'yun ng pagiging public person, being an artist. People are watching every move that you make, watching every word that you say. We live in this generation where everything that you say can be used against you," sey pa ni Iñigo.
Ang pagkakasama raw niya sa Monarch ang nagbukas sa kanyang mga mata sa oportunidad na minsan niyang inisnab.
"Nandu'n 'yung kaba, nandu'n 'yung takot, halu-halo, excitement. Siyempre, first ko 'to na project sa States at sana, magtuluy-tuloy na after this project.
"Sana, marami pang opportunities na dumating. Sana, marami akong young aspiring artists na ma-inspire na mangarap at huwag mag-give up sa pangarap nila. I'm also claiming that this project will open more doors for other Filipino artists to be able to cross over and to be able to create a movement, a Filipino wave in the States," dalangin pa ni Iñigo.








Comments