top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Kung si Kris ang Horror Queen… KIM, MILLENNIAL HORROR PRINCESS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 15, 2021
  • 1 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | December 15, 2021





Tiyak na aabangan ng mga fans si Kim Chiu na isa sa cast ng MMFF entry ng Obra Cinema na Huwag Kang Lalabas na magpa-participate sa first-ever Filmfest Fluvial Parade sa December 19 sa Pasig River.


Excited si Kim dahil first time ngang mangyayari ang ganitong klase ng parada para sa MMFF.


Ini-expect naming lalabas ang mga tao para mapanood ang Fluvial Parade at para na rin makita ang mga artista na may entry sa MMFF.


Bida si Kim sa Hotel episode ng Huwag Kang Lalabas na kinunan sa isang lumang kumbento sa Baguio ni Director Adolf Alix, Jr.. Kaya mararamdaman ng mga moviegoers ang takot habang pinapanood ito.


Dito muling maririnig ang sigaw ni Kim na ginawa rin niya sa past horror films na kanyang nilabasan.


Si Jameson Blake ang love interest dito ni Kim na sabi nito, “Okay siya, madaling katrabaho. Ang galing niyang artista, ang bilis makuha ang instructions, James and his dimples.”


Kung si Kris Aquino ang Horror Queen, si Kim ang tinatawag na “Millennial Horror Princess”. Hindi ba siya nape-pressure?


“Hindi ako nagpapadala sa pressure dahil ang gusto ko lang, umarte. Passion ko ang umarte. Iba ang title sa passion,” sagot nito.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page