top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Kung si Kathryn, may mansiyon… DANIEL, MAY PALASYO NA SA BATANGAS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 1, 2024
  • 2 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | May 1, 2024



Showbiz Photo
File photo: Daniel Padilla / FB


Tiyak na nasopla ang mga bashers at nagsasabing naghihirap na si Daniel Padilla mula nang maghiwalay ang love team nila ni Kathryn Bernardo matapos lumabas at kumalat sa social media ang mga photos ng J Castles sa Tanauan, Batangas.


Sa naturang mala-Disneyland na theme park na sinasabing "first biggest immersive theme park in the Philippines" ginanap kamakailan ni Daniel ang kanyang 29th birthday na dinaluhan ng family and close friends ng aktor.


Pero ang hindi yata alam ng mga bashers ni Daniel ay ito lang naman ang bagong business venture niya na in fact, soft opening ngayong May 1 kasabay ng Labor Day.


Maging kami ay nagulat dahil prior sa celebration ni Daniel ng kanyang birthday dito, wala kaming nababalitaang nag-invest ang aktor sa ganitong negosyo.


Kaya naman may-I-ask namin ang isang close kay Daniel at ang chika niya, in fairness, may Chinese partner daw dito ang aktor at hindi naman niya solong negosyo lang ito.


Hindi masabi ng source namin kung gaano kalaki 'yung J Castles, pero ang ibinida niya, may pool ito na parang 2 Olympic size ang haba, may vineyard, may 4 rooms sa isang villa pa lang at may golf cart na magdadala sa mga guests pagpunta ru'n.   


Wow na wow, devah?! Tiyak na daan-daang milyon ang inilabas ni DJ para sa J Castles na bukod sa napakalawak at napakaganda, napaka-impressive din ng loob based du'n sa mga lumabas na photos at videos sa Facebook.


Tiyak na dadayuhin ito ng maraming turista lalo na 'yung mga mahilig mag-selfie para sa Instagram at Facebook post nila dahil para ka nga namang nakarating ng Hong Kong o Japan Disneyland, 'di ba?


Well at least, kahit siguro hindi na magsalita si Daniel sa isyung naghihirap na siya dahil nawalan ng mga endorsements at shows matapos ang breakup nila ni Kathryn ay more than enough proof na itong latest business venture niya sa J Castles.


Kaya kung may mansiyon mang naipundar si Kathryn Bernardo, may palasyo namang maipagmamalaki si Daniel Padilla!


Reyna na lang ang kulang, chos!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page